mabagsik ang alindog ko.
Tuesday, August 18, 2009
Siomai. [5]

IKALIMANG KABANATA.


Bumangon na ako sa aking higaan. Natakot ako dahil hindi ko na mabuksan ang aking mga mata. Punong-puno na ito ng mga muta. Ang hirap mag-tanggal, grabe. Kinailangan ko pa gamitin ang chani ng ate ko para tanggalin.

Yes! After fifty golden years, natanggal na rin ang mga muta ko!

"Kaleb! Maligo ka na. Ambaho mo na." Sigaw ni Ate Potchi.

Papasok ba ako ngayon sa school? Ayoko. Natatakot ako. Baka mabisto na ako ni Ava at gulpihin ako ni Gino dahil ginamit ko ang pangalan niya.

"Hoy lalake! Hindi ka maliligo? Potchi, kunin mo nga ang arinola. May bubuhusan akong senyorito." Sambit ni Mama.

"Opo. Eto na. Liligo na ang senyorito." Pagmumukmok ko habang papunta sa banyo.

Kinuha ko ang tuwalya kong waterproof. Nasan na kaya yung tabo? Ah! Anu ba yan? Nawawala. Gagamitin ko nga muna ang tasa ni Mama.

Nang matapos na akong maligo, nagbihis na ako ng aking uniform. Syempre, hindi ako mabubuhay kung wala ang aking mga kyeme.For short, mga abubot. Naglagay na ako ng aking wax at nagpabango na gamit ang axe. Ayan, kamukha ko na si Wu Chun. =]

Bumaba na ako at kukuha na ako ng pang-lakwatsa. Hindi ako papasok sa eskwela. Bwahaha. Saan kaya ako pupunta? Ah! Sa SM San Lazaro na lang para masaya. Nanginginig yung 2nd floor nila eh. Balita ko. Dangerous yun. Masubukan nga.

"Ma, baon." sabi ko kay Mama.

Iniabot sa akin ni Mama ang P100. Umangal pa ako para dagdagan.

"P100?! Ganyan mo na ba talaga ako itakwil, Inay?! Hindi mo na ba ako mahal?! Taghirap na ngayon Ma, kulang ang wanhandred." Teary-eyed kong sinabe.

Iniabot sa akin ni Mama ang isa pang isang daan.

"Dalawang daan?! Ma, tingin mo matatakpan na nyan ang butas ko sa tyan? Isang linggo na akong hindi kumakain, Ma. Tapos, 200 lang! Ma, utang na loob. Hanggang dito na lang ba ang kaya niyo?"

Inabot sa akin ni Mama ang P200 ng may padabog effect.

"P400 na. Tingin mo kakasya ito sa mga pang matrikula? Ito ba ang sagot sa mga kaligayahan ko? Sa mga bawat pasa na aking natatamo? Ito ba ang gamot? Ma, sabog ka ba?"

Iniabot sa akin ni Mama ang isa pang P100. Nagalit siya.

"Sige hirit pa! Ako nagpapakain sayo, nagpapaaral. Tapos, hingi ka pa ng hingi. Potchi! Akin na nga ang hanger!" Sigaw ni Mama.

Tumakbo na ako palabas ng bahay. Kinuha ko ang aking bag na walang laman kundi ang red na pula na diary ni Ava pati na rin ang nagtatae kong My Gel pen.

Naalala ko. Mag-mamahal na araw na pala. Mabuting magpenitensya ako. Alam ko na! Lalakarin ko nang nakaluhod ang kahabaan ng Espana papuntang SM San Lazaro.

Pagkatapos ng madugong paglalakbay, eto ako. Nagmamatyag sa minamahal kong SM San Lazaro. Laking San Lazaro kaya ako. Bongga 'di ba? Pumasok na ako. San ako pupunta ngayon? Sa Quantum ba? O sa Starbucks?

Tambay na nga lang ako sa Foodcourt.

Habang tumatambay, nagdedaydream ako. Hari daw ako sa isang reyno na nagngangalang "SIOMEI". Ang mga tao dun ay mahilig sa pagkaen at paggawa ng siomai. Araw-gabi, lagi silang kumakain ng siomai. Siomai ang agahan, siomai ang merienda, at siomai ang hapunan. Isama mo na ang midnight snack kasi kawawa naman aloner siya kung hindi natin isasama.

Tapos, yung mga bahay dun, gawa sa pambalot ng siomai. Sa aking palasyo naman, ang mga gayak ng aking mga sundalo ay siomai na pinalaki.[gets mo? basta suot nila siomai. ung oversized.] Tapos ung doorknobs namin, siomai din. Pera namin, ginintuang siomai. Lahat ng pangalan ng mga tao, may siomai sa dulo. Tulad ng Mikesiomai Santos, Juansiomai dela Cruz o kaya Mariasiomai Reyes. Basta, puro siomai.

Ngunit hindi sila nauumay sa siomai dahil kakaiba ang mga siomai na inihahanda nila. Masasarap, nakakatakam at tutulo ang laway mo sa sarap. Malinamnam ito kaysa sa ibang siomai na tinitinda sa mga kalye. Tulad ng sabi ni Mama, madumi daw ang mga siomai na tinitinda sa kalye kasi yung mga tindero hindi naghuhugas ng kamay pagkatapos umihi. Kaya pag maalat daw ang siomai na kinain mo, may kasamang ihi yun ni Manong. Kaya ingat na lang sa pagbili ng siomai.

"Bogart, ikaw ba 'yan?" May isang taong sumira ng aking pagdedaydream. Grabe, gusto ko nang matikman ang siomai ng tita ni Ava. Hay...

Teka, kilala ko 'tong taong 'to ah. Si Papa. Aba, anlakas ng loob niyang magpakita sa akin pagkatapos niyang lokohin si Mama. Hmpf!

"O, ba't ka nagpakita? Nasan na yung kabet mo, ha?!" Sabe ko.

"Tatay mo pa rin ako at kelangan mo akong respetuhin. Mangangamusta lang sana ako pero ikaw pa ang nambabastos. Ganyan ba ang tinuturo ng nanay mo?! Lumalabas ang pagka-Tondo mo eh. Dapat kasi sa akin ka na lang sumama. Nakatira na ako sa isang mansyon..."

Sinapak ko si Papa. Tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan patungo. Naramdaman kong tumutulo ang luha ko...pati na rin ang sipon. Hindi ko kaya. Oo, masama akong anak. Walang respeto, walang modo. Isa lang naman kasi ang hinangad ko sa buong buhay ko eh. Makumpleto ang pamilya ko. Wala namang pag-asa eh.

Lahat na walang pag-asa.
Sa pag-ibig, wala.
Sa pamilya, wala.
Sa pag-aaral, wala.

Hindi ko alam ang gagawin ko kundi ang takasan ang lahat ng mga ito.
Magpapakamatay na ba ako?
posted by yana. @ 12:06 AM  
0 Comments:

Post a Comment

<< Home
 
About Me

Name: yana.
Home: Manila, Philippines
About Me: 'Wag mo na akong kilalanin. Magsisisi ka, peksman.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Sidebar Section

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Duis ligula lorem, consequat eget, tristique nec, auctor quis, purus. Vivamus ut sem. Fusce aliquam nunc vitae purus.

Links

Free Blogger Templates

BLOGGER