mabagsik ang alindog ko.
Monday, August 17, 2009
Siomai. [2]

IKALAWANG KABANATA.



"Sige ba!" Masaya kong sinagot ang kanyang request. Total, mahilig din naman ako sa siomai eh.

"Tara na."

Naglakad kami patungo sa BOTA [botanical garden]. Ang sarap ng feeling kapag kasabay mong maglakad ang crush mo tapos sabay pa kayo kakaen ng siomai. Natatakot ako baka mahimatay ako sa saya. Hahaha! Mabuhay si Majinboo!

Baliw nanaman ako.

"Nagli-lipstick ka ba?" Tanong sa akin ni Ava.

Todo react naman ako sa tanong niya,

"Hinde ah. Hindi ako gumagamit nun. Wala sa lahi namin ang mag-lipstick at wala ang nanay ko nun. Pati na rin ang ate ko. Gamit ni ateng pang-lipstick, laway ng syota niya. Kadire noh? Tsaka hinde ako bakla. Hindi ako naglilipstick!" Sabi ko.

Tinitigan lang ako ni Ava hanggang sa makarating kami sa BOTA. Mali ba yung mga sinabi ko? Umupo kami sa gilid ng fountain na pinamamahayan ng mga itlog ng lamok, mga isdang hindi ko alam ang tawag, at mga kiti-kiti. Oh diba?! Romantic ang dating.

Inilapag na ni Ava yung taperware na nilalagyan ng siomai. Binuksan niya ang taperware at binigyan niya ako ng tinidor.

"Oh, tusok ka na. Sa iyo na yan ah. Ubusin mo. Pakabusog ka." Malumanay na sabi ni Ava.

"Salamat. Maraming Salamat." Ayun lang ang nasabi ko.

"Oo nga pala. Gusto mo bang kwentuhan kita tungkol kay Gino?" Tanong niya.

Tumungo ako at nakinig. Hindi pa handa ang aking puso sa anumang sasabihin niya. Hindi pa handa ang puso kong masira...Bahala na si Spiderman.

"Alam mo bang matagal na akong may gusto kay Gino? Sa wakas, sinagot na rin ang aking mga panalangin na mapansin niya ako. Mahal na mahal ko siya. Ang saya saya ko ngayon. Hindi mo alam. Ang gwapo gwapo niya at sa dami ng mga babaeng pwede niyang magustuhan, ako pa ang napili niya. Kinikilig ako." Sabi niya sabay tawa na parang demonyong sinaniban na may masamang balak.

"May lihim kang pagnanasa dun ano?" Sabi ko.

"Dati pa! May koleksyon nga ako ng mga buhok na nalalaglag tuwing training niya sa track & field. Walang takot kong hinarap ang init sa paghahanap nun noh! Tsaka madami akong pichurs niya. Meron nga sa plato ko eh. Dinidiladilaan ko tuwing tapos na ako kumain"

Obssessed pala siya kay Gino. Sana...naging Gino nalang ako.
Sumikip dibdib ko. Akala ko simula na ng World War 3 pero nagkamali ako. Tapos na pala at isa ako sa mga biktima. Napakasakit! Naiiyak na ako ngunit ayaw kong pahalata kaya tumingin na lang ako sa siomai. Kung makapagsasalita nga lang ang mga siomai noh, siguro todo react na sila sa bad breath ko.

Pero nawawala ang lahat ng iyon habang kinakagat ko na ang siomai. Grabe, ansarap! Isa ba itong "Miracle Siomai"? Kaka-ibaibang siomai ito ah. May tingeling sensation akong nararamdaman. May kiliti sa bawat kagat ko. Kakaibang amoy na aking nalalanghap.
Amoy langit na may pinagsamang lupa. Tumulo ang laway ko sa uniform ko dahil gustong-gusto ko pa ng "Miracle Siomai". Mabagal kong nilalapa ang mga siomai. Kakaibang saya at excitement ang nararamdaman ko sa tuwing nginunguya ko ang siomai. Yum! Talo pa niya ang mga cheeseburjur ng Mcdollibee. At least, naawala ang lumbay na aking dinadala. Siyempre! Talo pa nito ang bagsik ng sanmig at red horse. Asteeg! Mahusay na siomai.

"Ahhmmmmm!!!!" Sabi ko pagkatapos kong maisubo ang isang buong siomai.

"Sige, tuloy mo lang yan. Dadalhan pa kita niyan bukas." Sabi ni Ava.

Tumungo nalang ako kahit na sirang-sira na at basag na basag na ang puso ko. Mabuti nalang nandito ang siomai na kaagapay ko sa aking lumbay.

Pagkatapos kong kumain, napa-burp ako ng malakas.

"BAAARRPPP." [anader sound effex. alam mo na kung ano 'toh.]

"Masarap ba?"

"Oo. Uber sa sarap. San galing 'toh? Sino nagluto."

"Niluto yan ng lola ko. Dadalhan kita ulet bukas. Sige, una na ako. Baka ma-late na ako sa klase. Ano ba section mo, Bogart?"

"IV- Saint Alyanna."

"Pupuntahan nalang kita bukas at makikipagkwentuhan tapos dito ulet. It's nice meeting you. Madami akong itatanong lalo na kay Gino. Humanda ka at babarilin kita ng madaming questions. Hehehe."

"Shure thing pating." Sabi ko na may ngiti kahit poot ang nadarama ko sa loob-loob.

Umalis na siya. Kita ko na ang kanyang sexy back. Naiwan niya pala ang notebook niya. Kulay red na pula. Tarush ng kulay infairness. Ang layo na na niya. Nakakatamad tumayo at ihabol sa kanya. Ah...basta..

"Ava!!!!" Sigaw ko.

Nilingon niya ako. Mga siguro 2 kilometro na ang layo niya.

"Yung siomai ko ha!."

Tumungo siya at tumalikod na. Bukas ko nalang ibibigay ung notebook niya. Basahin ko muna.

Binuklat ko nag first page at nag-hello sa akin ang mga naka-uppercase letters:

" MY DIARY."

Napa-OMGWTFBBQ.sauce ako sa gulat dahil na-intriga ako. Dahil din sa gulat, ung last piece ng siomai gumulong at nahulog sa dirty fountain. Ano ba yan!?! Nagkakanda leche-bureche na buhay ko ah. Babasahin ko ba ang diary niya? Mamaya na nga lang. Tinatamad pa ako. Saka na. Pag tinamand na akong tamarin. Maka-balik na nga sa classroom.

posted by yana. @ 3:25 AM  
0 Comments:

Post a Comment

<< Home
 
About Me

Name: yana.
Home: Manila, Philippines
About Me: 'Wag mo na akong kilalanin. Magsisisi ka, peksman.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Sidebar Section

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Duis ligula lorem, consequat eget, tristique nec, auctor quis, purus. Vivamus ut sem. Fusce aliquam nunc vitae purus.

Links

Free Blogger Templates

BLOGGER