mabagsik ang alindog ko.
Monday, August 17, 2009
Siomai. [3]

IKATLONG KABANATA.


"Mister Intal! Why are you late? Siguro naman busog ka na sa isang oras ng lunchtime. Bakit sumobra pa ng twenty minutes bago ka makarating dito sa classroom?" sabi ni Ma'am Arboleda. isa sa mga terror teacher sa amin.

Kaba, takot, at namamawiss na kilikili ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon na nakatayo ako malapit sa trash bin at center of attraction ako ng buong klase.Napadasal tuloy ako ng "Angel of God, my guardian dear..." Bahala na si majinboo at si San Goku.

"Ahmm..Ma'am. Nahulog po ako kanina sa hagdanan. Ayun po, ginapang ko po ang hallway papunta sa clinic. Lumala pa nga po kalagayan ko. Sumakit nga po yung brabalibintawan ko eh. Ni hindi nga po ako nakakain ng siomai eh."

"Sige na. Maupo ka na nga." Sabi ni Ma'am.

"Galing ng arte mo, tsong" Bulong sa akin ni Kata.

"Sus! Chickenjoy lang sa akin yun!" Pagmamalaki kong sinabi.

Itinago ko na ang diary ni Ava sa aking bag. Kinuha ko naman ang notebook ko sa Science pati na rin ang libro para kunwari interesado ako sa subject ni Ma'am. Binuklat ko na sa mga pages na pag-aaralan namin.

"Mister Intal! What the heck are you doing?! That's a form of cheating,obviously. I'll talk to you later. Itago mo na ang mga gamit mo bago pa magmukhang impyerno ang classroom na ito! If the principal gives you a warning or a day of suspension, don't expect me to have pity on you. It's your fault and I don't give a damn. It's better for you not to take the quiz and it's the best for you to go out of this classroom!" Sigaw sa akin ni Ma'am.

Ibang klase. Nagmukha akong isang hunghang sa harap ng klase. Nakalimutan ko palang may long quiz kami ngayon. Bwishet! Lumabas ako ng classroom ng nakayuko na parang baboy. Paglabas ko, nagulantang ako sa nilalang na nakita ko.

Si Gino.
Nakatayo rin sa labas. Hindi maipinta ang mukha niya. Mukhang binasted ng isang babae, pinagalitan ng nanay dahil nag-aadik, at parang pinatulan ng isang batallion na bakla. Ewan.
Ang gulo. Napilitan tuloy akong lapitan siya. Kinapalan ko ang mukha ko kahit dati ko pang alam na sobrang kapal na nito.

"Pinalabas ka rin ba?" Tanong ko.

"Hinde. Ako yung kusang lumabas."

"Ha?! Baket naman?" Kunwari nagulat ako sa sinabi niya. Kunwari lang.

"Sinabi kasi ng teacher namin kung sino ang hindi interesado sa subject niya, lumabas na lang daw. Kaya nadito ako ngayon."

"Ano ba subject niya?"

"Values Education."

Kaya pala. Demonyo pala 'to.

"Ganun ba? Eh baket ganyan mukha mo?

"Basta. Inaway ako ni Sir Vayag. Bastos ko daw kahit hindi naman ako nakahubad. Tara, gala muna tayo." Yaya niya sa akin.

"Ano pangalan mo at bakit ka rin pinalabas?" Tanong niya sa akin.

"Ako si Bogart. Pinalabas ako ni Ma'am Arboleda. Akala niya na nag-checheat ako sa exam kasi kinuha ko yung book and notebook ko sa science. Nakalimutan ko kasi na may quiz eh kaya ayun, nagmukha akong hunghang. baka ma-office pa ako. Ansama niya makapgsalita. Parang wala ng bukas."

"Ganun talaga yun. Ganyan talaga kapag tumatanda lalo na kapag dalaga pa. Hahaha! Nga pala, ako si Jacob, Gino Lim."

"Kilala na kita. Ikaw yung laman ng bawat usapan ng mga babae dito sa campus. Alam mo bang halos lahat ng babae ay nagkakandarapa sa'yo at hindi makukumpleto ang araw nila kung hindi ka nila makita o makausap man lang?"

"Oh?! Ganyan na pala ang mga babae ngayon. Gusto ko kasi sa babae yung mahirap pakisamahan. Para kapag nakuha ko na loob niya, daig ko pa ang mga taong nag-high score sa counterstrike. Yung tipong hard-to-get. Ikaw, ano ba yung type mo sa babae?" Tanong niya habang naglalakad kami sa hallway at hindi alam kung saan patungo.

"Type ko? Yung mga babaeng magaganda. Hindi na kasi uso yung mga panget na may magandang kalooban. Yung may makikislap na mata, mistisa, matangos ilong, mapupulang labi, parang si....parang si Marian Rivera.(grabe, muntik na.)tsaka nga pala yung magbibigay sa akin ng mga pagkaen lalo na yung siomai."

"Wow. Gusto mo yung perfect girl. Hehehe, Hirap makakita niyan. Sino ba crush mo dito sa campus? Baka pwede kitang ilakad. May mukha ka naman eh. Sa pagmumukha mong iyan, wala ka pa ring girlfriend? Madaming nagkakagusto sa'yo. Baka nasa tabi-tabi lang.

"Sige na nga. Sasabihin ko na. Basta wag mong ipagkakalat."

Sasabihin ko nga ba? Sige na nga. Para makakuha rin ako ng mga advices.

"Promise." Isinumpa niya.

"Si Ava. Ava delos Reyes ng IV- Saint Yanalubx."

"Si Ava?!"

Biglang nagtransform ang kanyang mukha. Mukhang hindi nanaman maipinta. Pero mas malaswa pa. Yung mukhang nakikita mo na daig pa sina Eula Valdez sa commercial ng Datu Puti na nagmumukhasim. Daig pa ang mukha ni Eric Morales na ginulpi ni Pacquiao. Basta, mukhang nakakita ng aso na kamukha ni Kokey. Mukhang panget at nandidiri nalang for short.

Baket? May gusto ba siya kay Ava? Huwag naman sana. Sana...

May nakakita sa amin na guard at sinigawan kami.

"Hoy! Loittering kayo ah! Isusumbong ko kayo. Akin na nga mga ID nyo!"

Pakshet. Napatakbo tuloy kami ng hindi oras. Nang nasa hagdanan na kami, CHARAN! gumulong ako pababa tulad ng sinabi ko kay Maam Arboleda. Karma nga naman. Ayun, tuloy pa rin ang takbuhan. Ang bilis din naman nung guard. Grabe. Superguard. Bagong sabon? Wahahaha! Nababaliw pa rin ako. So, takbo kami ng takbo. Nakakapagod. Pumasok muna ako sa isang room na nakabukas. Hinila ko si Gino papasok rin para makapagtago. Hindi namin alam kung ano ang pinasok namin na room. may narinig kaming ingay.

Ingay na naghahalikan! Aba! Kadire naman. Sobra naman sila kung sumipsip ng laway. Parang sinisipsip na ang buong kaluluwa. Eck!
Pinasok ko ang loob ng room. C.R pala. Pero bakit ang linis? Ahh! Girl's CR. Okei lang. Wala namang nakakakita sa amin ah. Sinundan ako ni Gino sa loob. Hinanap namin ang ingay na naghahalikan. Sa pinakahuling cubicle namin natagpuan ang ingay.
Ang hula namin ay mga first year na magsyota na naglalandian kaya sinipa ko ang pinto ng malakas. Black-belter kasi ako sa taekwondo [Ows?]. At hulaan mo kung sino ang nakita namin sa loob nga cubicle...
posted by yana. @ 3:30 AM  
0 Comments:

Post a Comment

<< Home
 
About Me

Name: yana.
Home: Manila, Philippines
About Me: 'Wag mo na akong kilalanin. Magsisisi ka, peksman.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Sidebar Section

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Duis ligula lorem, consequat eget, tristique nec, auctor quis, purus. Vivamus ut sem. Fusce aliquam nunc vitae purus.

Links

Free Blogger Templates

BLOGGER