mabagsik ang alindog ko.
Friday, August 21, 2009
[guni-guni.]
Hindi matapos-tapos si Eman sa kanyang mga takdang-aralin. Napakarami pa niyang tatapusin. Sa lagay niyang iyan, mukhang hinahabol niya ang oras. Mukhang matatalo siya ngunit hindi pa rin siya sumusuko. Ganyan naman siya, hindi nagpapatalo. Deadline na kasi ng kanyang mga paperworks bukas. Simula ng namulat siya sa katotohanan, nagpakalunod na lang siya sa kanyang pag-aaral. Ang lalalim na ng kanyang mga eyebags, halatang pagod na ang kanyang mga kamay, at bumabagsak na ang mga talukap ng kanyang mga mata.

Siya si Emmanuel Alcantara. Isa siyang scholar ng U.P. Diliman. Maaga siyang naulila ng kanyang ina kaya lumakhing kulang sa pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang tiyahin. Iniwan siya ng kanyang ama at nag-asawa ng iba. Oo,produkto si Eman ng isang broken family. Wala siyang kapatid. Walang kaibigan. May pagkasuplado at pagkamahiyain kasi siya kaya walang nagmamahal sa kanya. Ang kanyang tiyahing si Aling Lucia ay tinutupad lang ang kanyang tungkulin. Pa-aralin, pakainin, palakihin ng mabuti ang kanyang pamangkin. Hindi niya lubusang binibigyang pansin si Eman. Puro negosyo, tsismis at lalaki lang naman ang ikinabubuhay ni Aling Lucia. Medyo may mukha naman si Eman kung marunong lang sana siyang mag-ayos. Laging magulo ang kanyang buhok. Buhok ng bagong gising. Nakasalamin siya kaya hindi masydong napapansin ang kanyang kumikislap at nagniningning na mga mata. Tama lang ang kanyang pangangatawan at tangkad. Kabilang siya sa mga kalalakihang simple at hindi masyadong pinapansin. Ang kaibahan lang ni Eman sa mga tao ay mayroon siyang napakalawak na imahinasyon. Dahil sa kanyang mga kathang-isip, nabuo si Erika. Siya ang kathang-isip na minamahal ni Eman. Siya ang kanyang guni-guning sinta. Ang katotohanan, si Eman ay nagmamahal ng wala.

Si Erika daw ay maganda, mabait, maunawain, at masaya. Halos lahat ng mga traits ng mga lalaki na kay Erika daw. Ngunit nakalulungkot man isipin, hindi siya totoo. Si Eman lang ang nakakakita, nakakarinig at nakakahalubilo kay Erika dahil siya ang lumikha nito. Araw-araw silang magkasama. Tuwing nasa labas si Eman at "kasama" niya si Erika, kinakausap niya ito. Walang mga taong nasa daan ang hindi sumusulyap sa nagsasalitang mag-isa na si Eman. Dinededma lamang ni Eman ang mga ito. Wala siyang pakielam kung anu man ang sabihin ng ibang tao. Basta alam lang niya ay mahal niya si Erika, ang babaeng kathang-isip lamang.

Mukhang nababaliw na nga si Eman. Sinabi daw sa kanya ni Erika na may taning daw ang kanyang buhay. Kailangan daw niyang maglaho ng parang bula. Ang mas masakit pa ay sa ikalabing-walong kaarawan pa ni Eman ang petsa na kailangan umalis ni Erika.

Lumipas ang tatlong buwan. Tuloy pa rin ang kasiyahan nina Eman at Erika. Nagmamahalan, nagtatawanan, at kaagapay sa bawat pagsubok. Malapit na ang kaarawan ni Eman. Sa bawat araw at minutong lumilipas, nalulungkot na siya dahil alam niyang mawawala na ang kanyang sinisinta. Kaya sinusulit niya ang mga araw na kasama niya si Erika. Marami ang tumatawa dahil nababaliw na daw si Eman. Bumabagsak na nga siya sa kanyang mga subjects dahil hindi na siya masyadong nag-aaral. Puro si Erika na lang.

Nang nalaman ni Aling Lucia ang mga nangyayari kay Eman, nagalit ito at pinalayas si Eman sa kanyang pamamahay. Hindi daw niya lubusang matanggap na ang kanyang pamangkin ay baliw at malayo sa katinuan. Lalong nabaliw si Eman sa mga nangyayari. Lahat ng tao ay itinakwil siya. Sa Diyos na lang siya kumakapit para magkaroon ng kaunting pag-asa. Hindi niya alam kung isang delubyo o isang pagpapala ang paglikha niya kay Erika. Nakikitulog na lang si Eman at naninilbihang katulong ng mga pari sa simbahan. Nililinis niya ang mga kampana, mga estatwa ng Panginoon at mga santo. Wala pa ring nagmamahal kay Eman kundi si Erika at ang Diyos. Alalay lang ang tingin ng mga pari sa kanya kaya hindi nila lubusang napapansin si Eman. Puro pera din kasi ang habol ng mga pari sa simbahang pinasukan ni Eman. Tumalikod sila sa pagiging tapat sa Panginoon. Isang napakalaking kasalanan. Hindi na lang pinansin ni Eman ang mga nangyayari. Puro bahala na ang nasa isip niya.

Dumating ang araw ng kanyang kaarawan.

Ang araw na ganap na matandang tao na siya at pwede nang mamuhay ng mag-isa. Hindi na siya minor de edad. Ito na rin ang araw na kailangang mamaalam ni Erika sa puso ng kaawa-awang si Eman. Nag-celebrate si Eman ng kanyang kaarawan sa tabi ng karagatan. Doon sila nagkwentuhan magdamag ni Erika. Nagpalitan sila ng kanilang mga maliligaya at malulungkot na alaala. Hindi mapigilang maluha ni Eman. Nilikha niya si Erika para magkaroon ng isang taong magmamahal at uunawa sa kanya. Ngayon na aalis na si Erika, napakalungkot ni Eman.

Papalubog na ang araw. Maglalaho na si Erika. Ang huling mga salita ni Eman kay Erika:

"Salamat dahil hinayaan mo akong ibigin kita. Mahal na mahal kita. Salamat."

Pagkatapos nun, naglaho na si Erika.

Mag-isa na lamang si Eman ngayon.
Mag-isa na niyang haharapin ang mapait na katotohanan.
Mag-isa na niyang ipagpapatuloy ang buhay niyang kinagisnan.

posted by yana. @ 12:53 AM   0 comments
Siomai. [Ang Huling Banat.]

IKALABING-LIMANG KABANATA.



Nagising ako sa ingay. Ingay ng bunganga ni Inay.

"AY NAKO! LINTIK! DINADAGA NA ANG MGA SIOMAI. SINO BA KASI NAG-IWAN NITO DITO?!"

Wahehehe. Ako lang naman ang nag-iwan.
Makabangon na nga. May date pa kami ni Honey My Love So Sweet. Saan kaya kami tatambay ngayon? Sa isawan sa kanto o kaya sa lugawan sa kabilang kanto?

Di bale na nga lang. Ngunit hindi pa dito natatapos ang mga delubyo?
Remember? Judessa si Gino. Anong gagawin ko sa kanya? Hmm.

"Senyorito Kaleb, may bisita ka sa baba. Papalamunin ko ba ng mga panis na siomai mo?" sabi ni Ate Potchi.

"Ha?! Si Ava ba yun? Nakakahiya naman. Siya sumusundo sa akin." sabi ko.

"Nakanantoots. Di ka ba babangon?Tsaka hindi si Ava yon. Mukhang matapobreng autistic."

Bumangon na ako. Ginamit ko ang aking Chuperpower na 'UnoDosFresh' para mabilis ang paglinis ng aking payatot na katawan. Basta, mag-ggym na ako bukas para maipakita ko naman ang mga hidden biceps, triceps, at ang dosena kong mga abs. Baka nga kunin pa akong dancer sa club. Yung tipong sa harap ka ng maraming tao maglalagay ng baby lotion o kaya baby oil tapos ipapahid mo sa mga muscles mo. Tapos pagkatapos nun, sasayaw ka na. Gigiling at kekembot at hahayaan mo nalang isabit ng mga bakla sa brief mo ang mga bayad nila. Ayus yun!

Teka, nakalimutan ko na ang bwisita ko. Sino kaya iyon?
Anak ng tekwa! Si Gino. Mukha ngang matapobreng autistic. Bakit kaya na-transform ang mukha niya sa ganyan. Kahapon maayos pa yan ah.

"Kaleb, aalis na ako papuntang America. Narinig ko na hindi na matutuloy ang paglipat mo sa ibang school. Basta, magpakatino ka na. Alagaan mo si Ava. Doon na ako titira." sabi ni Gino, teary-eyed.

"Ganun ba? Sige, bye."sabi ko.

"Una na ako. Dumaan lang kasi ako dito. Nga pala, yung mga picture ni Sir Vayag at Ma'am Arboleda, nilagay ko sa locker mo. Tsaka..."

"Ano yon?" tanong ko.

"Mahal pa rin kita..." bulong ni Gino.

Nanginig ako sa sinabi niya. Pero naiintindihan ko naman siya. Kahit ginawa niyang panakip butas si Ava para hindi malaman ng buong sambayanan na baklita siya, ayos lang. Basta, hindi nag-dadrugs. Nagfriendly hug kami tapos umalis na siya.

Makakain na nga. Susunuin ko pa si Honey My Love So Sweet ko.

Pagkatapos kumaen...dali-daling tumakbo si Kaleb papunta sa UTMT*. Nandoon siya maghihintay sa Honey My Love So Sweet niya. *under the mango tree.


Tagal naman niya. AY! Ayan na siya. Mga hator!

"Hi Honey My Love So Sweet!" bati ko kay Ava.

"Hello Honeybunch Sugar Plum!"bati niya sa akin.

Nagmwuahugz kami. Hayz. Ang kati ng ilong ko. May kulangot. Kung pwede nga lang sanang mangulangot, kanina ko pa ginawa yun. Hayz. Haha. Ambaboy.

"Honey My Love So Sweet, ang haba naman ng tawagan natin. Pwede namang puto at dinuguan. Pwede rin naman sipon at ubo. Pwede rin naman tae at utot.Ang haba kasi eh." sabi ko.

"Wag na natin palitan. Cute naman kasi kapag mahaba eh." sabi niya.

"Oks manoks. Xet ang korni. Tara na nga. Kain tayo. San mo gusto? Kaw manlilibre ah." suggest ko.

"Langya. Doon na nga lang sa siomaian namin. Ipakikilala kita sa lola ko. Nanghaharass yun. Ingat." sabi niya.

Tinungo namin ang siomaian. Naupo kami at nakita ko ang lolang asteg. Hulaan mo kung ano ang outfit niya ngayon. Nakakatuwa. Hehe.

"Oi. Order ka na" sabi sa akin ni Ava.

"Dalawa nga pong order ng siomai. Tsaka dalawa ding ice tea." sabi ko sa manang na mukhang natalo sa pustahang pacquiao-hatton fight.

"Oki." sagot ni manang.

Naupo na kami sa upuan at nakiupo rin si lola.

"Honeybunch Sugar Plum, lola ko nga pala." sabi ni Ava.

Wow. Asteg! Lola ni Ava. Ankulet.

"Tsaka siya yung nagluluto ng mga siomai na binibigay ko sa'yo." hirit pa niya.

"Nice to meet chu lola." sabi ko.

"Aba, nakachamba ka Ava. Ang wafu ng jowa mo." sabi ni lola.

"Hindi naman. Mejo lang." sabi ko ke lola.

At sinerve na ang siomai at kumain na kaming lahat.
Naging maayos naman ang pakikitungo ko kay lola. Sa katunayan, ang asteg nga niya eh. Mukha nga lang pagod sa kakahead-bang. Kakagaling lang daw niya sa concert ng "Shadows Fall" na ginanap sa bahay ni lola. Lufet noh?

Syempre, hindi pa dito natatapos ang lahat.
Hindi niyo pa alam kung ano ang outfit ni lola.
Syempre, yung bagong t-shirt ng pulp summerslam tsaka naka skinny jeans. At naka-havana slippers pa. Ahehe.

Nga pala, nakulong si Honorable Dante Criminalehehe kasi nung nag-guest daw siya sa wowowee, madami siyang dinalang banner ng globe. Masyado daw madami kaya naubos yung pera ni Willie. Ayun, simpleng bagay lang nakulong. Ang sad 'noh?

Hahayaan ko bang maging sad ang ending nito? Syempre aariba pa ako.

Binalik ko na kay Ava yung diary niyang red na pula. Sinumbong ko sina Ma'am Arboleda at Sir Vayag. Si lola, nagaaral ng sumayaw kasi pangarap niyang sumayaw na may kantang "Sabog-sabog tayo". Si nanay naman ay nagpapabeauty sa parlor ng mga bakla.Si Ate Potchi nandun sa boypren niya, nag-sisigawan.Si Kata ay puyat nanaman galing sa concert. Si Ava syempre winoworship ako. Ako? Kelangan pa ba?

Syempre, nagluluto na ng miracle siomai. =D


[end.]
posted by yana. @ 12:18 AM   0 comments
Siomai. [14]

IKALABING-APAT NA KABANATA.



Natatawa ako sa mukha ni Ava ng narinig niya ang hamon ko. Hehehe.

"O, di mo kaya? Di mo lang talaga ako mah--"

Natigilan ako dahil ramdam ko ang lambot ng labi ni Ava sa aking bibig.
Parang nasa ikapitong langit ako. Wala akong paki sa mga tumitingin.
Grabe, sarap ng feeling! First time kong makipag-halikan. Madaming tumingin at nagsasabing:

"Uy tignan niyo! May nagpapasahan ng chewing gum!" -inosente.

"Yuck! Kaderder naman." -konyo.

"Wow. Ang sweet. Kinakagat na ako ng mga langgam. -sarkastikong panget na halatang walang pag-asa sa buhay. haha.

"Pagmamahalan. Bakit ako'y iyong iniwanan?" -emongolloid.

"Dios miyo Marimar!" -fans ni Fulgoshi. [dogie ni Marimaw.]

"Iha, lokohin ka lang niyan!" -janitor.

"Ako na lang! Ako na lang ule!" -Basha.

"Asteeg! Rak en Roll!" -lola.

"PDA yan ah. Dapat iderecho yan sa Dean's office." -taong intellectual na gusto mo nang maglaho sa mundo dahil wala ng iniisip kundi grades, lessons, at pagiging teacher's pet. nyeta. Puksain!

"Paano kung may braces sila? Eh di ang hirap maghalikan nun kasi baka magkasabitan ang mga brace. Ano yun? Dilaan ng ngala-ngala?" -Betty la Fanget.

"Woi. Libreng porno ba 'toh?!" -malibog.

"Nawa'y kaawaan sila ng Diyos. Amen." -Alyanna.


Andameng reaction ah. Inggit lang sila kung tutuusin.Nang natapos na ang aming halik, tinanong ako ni Ava na namumula ang kanyang pisngi.

"Naniniwala ka na?"

Tumungo lang ako. Sobra ang aking ismile.Daig ko pa ang mga sumali sa coke smile araw-araw. Parang napunit nga angbibig ko at ramdam ko ang dugo na umaagos. Sinipsip ko na lang. Slurp!
Kinikilig ako. Ahehehe.Haba talaga ng patilya ko. Ayos!

"Tayo na ba?" tanong ko naman kay Ava na may pagkahiya kahit napakawalang-hiya ko naman.

"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, oo." ngiting sagot niya.

Sakto at nag-ring ang bell. Tapos na ang lunch. Ay, sayang naman.

"Kita na lang tayo mamayang uwian." Sabi sa akin ni Ava.

Ngumiti ako at nagtungo na sa aking classroom. Doon ako umupo sa aking upuan sa dulo na kung tawagin nila ay ang 'Desolation Row'. Korni noh? Sobrang cheezy.

Maya-maya may pumasok na teacher. Mukhang substitute kasi absent ata yung teacher namin sa Filipino. Ayun. Nagpakilala ang chimay.

"Magandang hapon mga bata. Ako si Honorable Dante Criminalehehe. Nandito ako para sabihin niyo sa mga magulang ninyo na iboto ako sa pagka-presidente. Pakinggan niyo ang aking mensahe mga bata."

Kung ako'y mahalal bilang pangulo ng aking bayan
Sangkatutak na kalokohan, sa akin ninyo mararanasan,
Katakut-takot na corruption ang mangyayari na 'di nyo malalabanan
Gagawin ko kayong mga alipin para lang sa buong sambayanan.

Magkakaroon ng isang payapang kapaligiran
Dahil ipapakulong ko ang lahat ng tao sa pamayanan,
Kukunin ko ang lahat ng inyong mga kayamanan
Para ako lang ang taong magiging mayaman.

Bibigyang solusyon ang mga batang walang edukasyon
Pati na rin ang mga may sakit at may malnutrisyon,
Pero sa bawat padyak ng mga bata sa pedicab ni Mar Roxas na binata pa rin hanggang ngayon
Ang mga pawis nila ay gagawing tubig sa mga taong nabibilaukan tuwing komunyon.

Huwag tularan ang mga taong tulad ni Villar
Kunwari mahirap pero nakita ko sa Espanya na nag-bibilyar,
Nakakalungkot man isipin ngunit ganyan ang mga tao na pikon at asar
Kumakapit na lang sa Wowowee para sa mga salitang wala sa tamang lugar.

Kaya ngayon ako na lang ang pag-asa ng Pilipinas kong pagmamay-ari
Sapagkat isa akong tao na mas mataas pa kaysa sa hari,
Na may kakayahang mamuno kahit anong mangyari
Para lamang mailigtas ang bayan nating sawi.

Wag nang magtanong at isulat ang aking pangalan
Ihulog sa balota at agad na ipagdasal ang aking karangalan,
Na maging pinuno ng isang bayang buhay
At obligasyon kong gawin itong patay.


"Muli ako si Honorable Dante Criminalehehe tumatakbo para sa pagka-presidente.
Nangangako ako na pag ako'y nanalo sa darating na eleksyon, magbabago ang tingin mo sa mundo.

Mapanuri.

Mapagmatyag.

Mapangahas.

Nasaakin na ang mga alahas."

Pipilitin ko nga si Inay na iboto 'yan. Mukhang malufet na humahagufet eh.


Uwian na. Hindi na masaya. May umepal kasi. Hindi naman kasali.


Yeba! Makikita ko na ang aking gelpren.
Ayun siya. Ang babaeng naka-uniform. Mapuntahan na nga.

"Hi Ava! I labshu." paglalambing ko sa kanya.

"O really? We're the same. I love myself too. Hehe. I labshu too." sabi sa akin ni Ava na may kasamang palo sa wetpaks.


Umuwi na kami sa aming mga tahanan. Hindi ko na siya hinatid. Sayang pa sa pamasahe tyaka malaki na siya. Nang mahiga na ako sa aking kama, naisip ko ang mga nangyari. Ang paglaladlad ni Gino. Ang pagmamahal ni Ava. At ang pagsulpot ni Honorable Dante Criminalehehe. Asteg! Ngayon, makakatulog na ako pero........








Kain muna ako ng siomai. Malapit na maubos eh.
D:
posted by yana. @ 12:14 AM   0 comments
Siomai. [13]

IKALABING-TATLONG KABANATA.



AVA'S POV

Medyo namamaga pa ang mga mata ko. Sasabihin ko nalang kay lola na nanuod ako ng sobrang nakakaiyak na movie na halos maluwa na ang mata ko kagabi.

"Lola, di ba sinabi ko sa inyo na huwag muna kayo tumambay sa Quantum. Ayan tuloy, umatake ang rayuma ninyo. Paano na lang kung wala ako dun para sumaklolo sa inyo." sabi ko.

"Iha, maikli na lang ang buhay ko. Pabayaan mo na akong magsaya. Sus! Kung nandito pa siguro si Carding, ang lolo mo, siguro magdamag kaming nasa jungle log jam. Nga pala, nasaan na ang lalakeng pinapapunta ko sayo dito? Anong petsa na!?" sabi ni lola.

Sasabihin ko ba ang totoo? Wag muna...

"Ahm...busy po siya." pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? Dapat ginagamit mo ang asim mo. Sex appeal! Eto, ipagluluto ko siya ng siomai. Dapat ibigay mo sa kanya. Tapos, dalhin mo dito." sabi ni lola sabat tawa.

Sinundan ko si lola sa kusina. Inihanda na niya ang mga gamit para sa gagawin niyang pagluluto.
Pinanuod ko siyang sumayaw habang nagluluto. Gumigiling siya sa kaliwa at nagoocho-ocho sa kanan. Akalain mo yun?! Hindi man lang natatapon ang mga sangkap na kanyang hawak-hawak.

Nang tapos ng i-steam ang siomai at inilagay na ni lola sa pinggan, kay sarap at kay bango nito. Nakakatakam. Mukhang malinamnam. Hmm.

Kumuha ako ng isang piraso ng siomai. Tinikman ko.
Hmm! Sarap. Swabe sa lalamunan.

"Ilalagay ko na sa taperware. Ibigay mo kay Bogart ah. Tapos imbitahin mo syang pumunta dito." sabi ng aking dakilang lola.

"Opo." sagot ko.

Natulog na ako para maaga akong magising bukas.

Kinabukasan.

5:00 na pala. Makabangon na nga.
Naligo na ako at nagbihis ng aking uniform.
Nagpaganda, syempre.

Kinuha ko ang taperware sa refrigerator. Ininit ko muna sa microwave.
Paano ba kita ibibigay kay Bogart?
Ah! Owkei. Alam ko na.

Umalis na si Ava at tumungo sa eskwela.

KALEB'S POV

Hay. Nakaraos na rin sa pagkakagulat ko kahapon. Hindi ko akalain na si Gino, ang campus crush, ay isang bakla. Kung malalaman siguro nito ng buong sansinuko, baka patayin at kaladkarin nila ako sa selos. Sa dami-dami pa kasi ng mga lalake, ako pa ang napupusuan ni Gino. Baka magkanda leche bureche ang buhay ko niyan.

Makapasok na nga sa malamig na classroom ko!

"Oi Kaleb!" bati sa akin ni Kata.

"Anong kailangan mo?" sabi ko.

"Pengeng siomai. Sige na. Hindi ako nag-agahan kanina eh." sabi niya.

"Ha?! Wala ako nun. Alam mo naman na hindi ako nagbabaon diba?"

"Talaga? Ano yung nakapatong sa upuan mo?" -Kata.

Napasulyap ako sa upuan ko. May taperware na nakapatong dun.
Mapuntahan nga. Sakto. Mejo gutom ako ngayon.
At aba! May sulat pa.

Bogart,

Sorry sa mga nasabi ko sa'yo nung isang araw.
Goodluck na lang sa bago mong school.
Basta, walang limutan.

-Ava-



Nakakatouch naman 'tong letter. Pinapatawad ko na si Ava. Hmm.
Makakain nga muna.

"Oh, lamunin mo na." sabi ko kay Kata.

"Salamat! Nga pala, bakit hindi mo ako sinamahan sa PULP Summerslam kagabi. Kakainis ka naman. Hindi na tayo bati." sabi ni Kata.

"Ha! Kagabi ba 'yon?! Tae. Baket di mo pinaalala?" sigaw ko.

"Natutulog ka daw sabi ng nanay mo." sabi niya habang nginunguya ang siomai. May tumalsik pa sa pisngi ko na agad kong pinunasan.

"Ganun ba? Sayang naman. Hindi tuloy ako nakipagrak-rakan."

"Wag kang lonely, pare. Binili kita ng t-shirt. Hehe. Bigay ko sa'yo bukas."

"Salamat bespren! I labshu!!!"

At nilapa namin ang mga miracle siomai.
Yum.Yum.Yum.Yum. Delicioso. [Linya ni Backpack. Sa Dora Lakwatsera.]

Dumating ang lunch.
Tinakbo ko ang kahabaan ng corridor. Sigaw ako ng sigaw ng : Ava! Ava! Ava! Arriba!
At nang nakita ko ang pagmumukha ni Ava, pinuntahan ko siya.

"Hi Ava!" bati ko sa kanya.

Medyo namumula si Ava. Bakit kaya?

"Natanggap mo ba ang pagkaen? Kinain mo ba?" tanong niya.

"Syempre. Ubos na nga eh. Ahehehe." sagot ko.

"Ganun ba. May nais akong sabihin sa'yo. Dun tayo sa medyo tahimik. Ingay dito eh."

Pumunta kami sa tahimik na part ng corridor. Medyo maingay pa rin pero at least nagkakarinigan na kami ng maayos.

"Ahm. Bogart. Didirechohin na kita. Sana maintindihan mo ako."sabi ni Ava.

"Sige, I'll try."

"Mahal kita." sabi ni Ava. Titig na titig siya sa akin.

Tama ba nag narinig ko? Mahal ako ni Ava?!

"Weh, di nga?" sabi ko.

"Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka?" tanong niya.

"Halikan mo ako kahit madaming tao." Panghahamon ko sa kanya.

Hehehehe. Gagawin kaya niya?

posted by yana. @ 12:10 AM   0 comments
Siomai. [12]

IKALABING-DALAWANG KABANATA.



GINO'S POV



Kailan ba ang tamang panahon para mag-ladlad ng tunay kong sarili. Ang hirap magtago lalo na pag sobrang gwapo ang tinataguan mo. Ang hirap magtago bilang Gina sa katauhang Gino. Mas mahirap kapag magladlad naman ako kasi baka walang tumanggap sa akin. Lalong lalo na si Fafa Bogart.

Gustong-gusto ko pa naman mag-star sa pelikulang "Snow White & the Seven Hunks". Tas ako ung bida. Syempre, bibilangin ko ang mga hunks pati ang mga abs nila. Tapos yung pag-bilang ko, dapat may kyeme. Like:

Jisa...

Krolawa...

Kyotlo...

Jopat...

Jima...

Kyonim...

Nyotert...

Walochi...

.........


Ay!!! Ansaya-saya.
Dapat kasali ako sa federasyon.
Federasyon ng mga bakla!
Tapos, pabonggahan kami ni Bebe Gandanghari.
Ahihihi. Lalaksan ko na ang loob ko. Maglaladlad muna ako sa taong pinakalavie-davie ko.
Si Fafa...alam mo na.

Kinilig to the max si Balahurang Bakla.

Syempre, pangarap kong maging representative ng kabaklaan para sa kabataan.
Nung bata pa ako, palihim akong naglalaro ng Barbie. Ninanakaw ko sa kapatid kong babae. At hinahalikhalikan ko pa ang mga naglalakihang muscles na naka-umbok kina Superman.
Pangarap ko rin na maging isang malaking parlor ang buong mundo.

At ang misyon ko dito ay maghasik ng kabaklaan.

Paano? Secret.
Pa-kiss muna.



KALEB'S POV


Aba. Si Gino yun ah. Bakit kaya siya nandito?
Hala! Napaiyak ko nga pala si Ava kanina. Baka jombagin niya ako.

"Bogart, tara. May sasabihin ako sa'yo. Dun tayo sa mejo madilim." sabi sa akin ni Gino.

Madilim?! Baka nga gugulpihin niya ako.
Gusto ko sanang magpaalam sa araw na nagbibigay liwanag sa kapaligiran.
Gusto ko sanang magpaalam sa oxygen na nagbibigay hangin sa akin. [baligtad ba?]
Gusto ko sanang magpaalam sa mga teachers kong haliparot at malalandi.
Gusto ko sanang magpaalam sa bungangera kong nanay at taksil kong tatay.

Ngunit huli na.

Bakit ba kasi ipinanganak akong VAIN?
Hmpf!

Sa madilim na lugar.


"Bogart, may gusto akong sabihin sa'yo dati pa. Wag ka sanang mabibigla." sabi ni Gino.

"Ano ba 'yon" mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Bakla ako. May lihim akong pagnanasa sa'yo. At mahal kita."

Napanganga ako bigla. Natauhan din ako pagkalipas ng limang minuto.

"Isa kang bakla, badette, judessa, dingalou, vudluj, bakling, baklita? Ha! Basta, iyan ang pinasok mo eh. Dyan ka masaya!" lumabas sa aking bibig.

Napatungo lamang si Gino.
At may lihim pa siyang pagnanasa sa akin.

Shet! Hihimatayin na ako.
Huhhh....

At hinimatay ang maarteng si Kaleb.


GINO'S POV

"Oh my Gosh!" sigaw ko.

Hala. Hinimatay siya.
Ano ang una kong gagawin?

Hahalikan ko ba siya o yayakapin?

Ah! Both na lang para masaya. Pero tama ba ang gagawin ko? Sana mali.
Kahit si Fafa Bogart na ang pinakagwapo sa mundo ng mga pangit, kyot pa rin siya.
Eto na. Momolestiyahin ko na siya. Bwuahahahaha!

Pero wag na. Bad yun.
Isusugod ko na nga lang siya sa clinic.


AVA'S POV

Umuulan ang mata ni Ava.

"Ahuhuhuhuhu. Wana nyama aku inawa maama e! Huhuhuhu" iyak ko.

*Singhot* *Singhot* *Singhot*
*Pahid* *Pahid* *Pahid*

Bakit sya ganun? Pinapayuhan na nga ayaw pa.
Minahal niya pala ako. Bakit kasi nagsalita pa ako?
Ayos na sana eh. Pero kakayanin ko ba na aalis na siya next week.

"Wahhh!!!!!!!HUHUHUHUHUHU!" sigaw ko.


LOLA'S POV

Sa Quantum. Sa may Dance Dance Revolution.

"Oh! Sino po ang hahamon sa ak--"

"ARUUYYY!!! RAYUMA KO!" sigaw ko.

posted by yana. @ 12:05 AM   0 comments
Thursday, August 20, 2009
Siomai. [11]

IKALABING-ISANG KABANATA.


KALEB'S POV


"Ikaw..." bulong sa akin ni Ava.

Ha? Ano daw? Pakiulet? Bingi ako eh. Namumuo na ata mga tutuli ko.
Tama ba ang narinig ng mga baluga ko?

AKO?!

Malamang ako. Nagpakapagod akong maglaro ng DOTA at makipagpustahan sa mga kapitbahay ko para lang pambili ng mga materials. Pati na rin sa isang boquet ng roses na ibibigay ko sa kanya mamaya. Nagpapakamartyr ako para sa kanya. Kasi, labs ko siya.
Ahihi. Kinilig naman ako. Ganun pala kapag in love ka na. Gagawin mo ang lahat para mapasaya siya kahit kaunti lang. Alam kong may mas mahigit pang magpapasaya sa kanya. Syempre, si Papa Gino niya. Ang macho gwapito. Ang kontrabida. Baka siya ang dahilan kaya ang mga bakla sa school ay nagkaroon ng chenelyn apocalypse [away ng mga bakla] kanina. Tapos, kailangan mo rin masaktan. Tapos, kaibigan lang pala ang tingin sa akin ni Ava. Ansaket nown! Hay, pag-ibig nga naman.

Napatingin ako sa mata ni Ava. Nagniningning parang mga bituin.
Parang may nais sabihin. Nagtitigan kami ng matagal hanggang sa magkatuyuan ang mga eyebols namin. Napakaganda niya. Simula nang nakita ko siya na nagtatumbling sa corridor tapos kita ang pink underwear niya, nahulog na ang loob ko sa kanya. Kinuha niya ang aking puso ng walang paalam. Dahil sa kanya, natuto akong umibig. Puro crush lang ang kaya ko dati. Weak kasi ako pagdating sa mga ganito. Weakness ko ang mga babaeng tulad ni Ava.
Hay. Ang cute cute naman ni Ava. Sarap patayin. Sana cute din ako.

Ngitian ako ni Ava ng matatamis na ngiti. Makapagpigil hininga. Yung tipong malulusaw ka na. Nginitian ko rin siya ng aking killer smile. Hehe. Ganito na lang ba kami? Magtititigan, magngingitian at walang kibuan. Ako na nga ang babasag ng katahimikan na namumuo sa aming kapaligiran. Yeba! Anlalim nun ah.

"Ahm. Ava, may gusto sana akong ipagtapat sa'yo." sabi ko.

Sasabihin ko na nga sa kanya ang totoo. Malungkot nga naman kung iisipin pero ano naman ako para angkinin siya ng buong-buo. Nandyan naman si Papa Gino niya para mahalin siya. Hindi niya naman ako kailangan eh. Kasi hindi naman niya ako hinangad na mahalin.

"Ano iyon?" tanong sa akin ni Ava. Halatang excited, nanlaki ang mata na parang mahuhulog na.

Eto na. Sana naman, hindi siya mandiri sa akin.

"Lilipat na ako ng school. Doon daw sa exclusive for boys. Hindi ko alam kung bakit eh. Pero sabi ng nanay ko mas mabuti kung doon daw ako mag-aral. Gusto ko lang sabihin na salamat sa mga siomai na binibigay mo. Ma-mimiss ko yun." sabi ko.

Ngumiti ako pero halata ang lungkot sa mukha ko.

"Ha?! Bakit naman ngayon pa sa gitna ng semester? Graduating na tayo eh! Tapos lilipat ka pa! Sabihin mo sa nanay mo na ayusin niya ang pag-iisip niya kasi graduaing ka na! Lalong mahihirapan ka kung lilipat ka pa ng ibang school. Paano na ang transcript mo?! Syempre magugulo yon! Mahirap din mag-adjust! Tsaka madaming bakla sa exclusive. Malalahian ka lang nila doon! Ano ba?! Bakit hindi mo pigilan ang nanay mo na ilipat ka! Paano na kaming mga kaibigan mo?! Paano na ako niyan?! Wala na akong makakasama at mabibigyan ng pagkaen tuwing lunch! Ano ba?! Ayusin mo!" sigaw ni Ava sa mukha ko. Galit na galit na galit.

Ganyan pala si Ava. Natigilan ako. Bakit kailangan niyang isali ang nanay ko sa usapan eh gusto lang naman niya ng mabuting pag-aaral para sa akin. At galit pa siya.
Ang sakit naman. Kakausapin ko na lang siya ng masinsinan. Walang sigawan.
Pero ang sakit talga nun. Sapol ako.

"Wag mo na sanang isama ang nanay ko sa usapan. Tsaka bakit sobrang affected ka? Sobra ka naman kung sigawan mo ako. Paano ka na? Bakit? Tingin mo ba sobra kang importante sa akin? Oo, kaibigan nga kita. Pero kung umasta ka para kang syota ko. Wala ka nang magagawa. Ganyan ka pala Ava." sabi ko.

Nakita kong tumulo ang mga luha niya. Hindi ko naman sinasadya na paiyakin siya. Tama nga naman siya. Graduating na kami. Anong magagawa ko eh yun yung sinabi ng hinayupak kong nanay. Ayan, tuloy. Kasalanan din niya. Kung hindi niya ako sinigawan, hindi sana mangyayari 'to.

"Alam mo Ava, nagpakapagod ako para sa mga nakikita mo ngayon. Tumakas ako kagabi para makabili ng bulaklak mo na nakalagay sa locker mo. Nagmakaawa pa ako sa tindera dun kasi magsasarado na sila. Tapos, yung mga perang pambili ng mga materials na pinanggawa ko sa mga arrows, pinagpaguran ko 'yon. Nakipag-pustahan ako sa mga nag-dodota. Hindi ako pumipikit para manalo lang. Sumakit mga mata ko para lang doon.Yung perang napanalunan ko, pinambili ko ng mga papel. Pinagpuyatan kong gawing maganda at kaakit-akit ang mga arrows. Tapos, pinakiusapan ko lahat ng mga adviser para sabihin sa klase nila na 'wag munang palabasin ang mga estudyante para masundan mo ng maayos yung mga arrows. Madaming teachers na nag-comment sa akin na masyado pa akong bata para sa mga ganitong bagay. Masyadong bata para mahalin ka. Anong magagawa ko? Eh tanga at bobo ako. " sabi ni Kaleb.

Walang masabi si Ava. Natulala lang at umaagos ang kanyang luha.
At ang mga huling salita ni Kaleb ay:

"Ginawa ko ang lahat 'yon para sa'yo kasi mahal kita."


Andrama naman namin.
Umalis na ako sa kinatatayuan ko at tumungo na sa classroom.
Sana uwian na. Gusto ko nang mahiga sa kama para makapagpahinga at magtago sa ilalim ng kumot. Tapos biglang susulpot yung the grudge. Exciting!


GINO'S POV


"AY! Andameng papables doon. Puntahan ko nga sila.Hmm. Sarap siguro nilang papakin. Ang gusto ko sa kanila yung may malalaking hinaharap! Wahaha. Ang aga-aga, bineberde utak ko. Nyehehe. Kelan kaya ako makakapam-boys? Wala pa akong pera ngayon eh. Sana magkaroon ako ng jowa. Dapat hindi lalagpas sa 2 ang peklat at matambok ang wetpaks." sabi ko sa loob-looban ko.

Oo. I'm a girl trapped inside a man's body.
Hindi ko talaga kaya 'to. Ayoko nang magtago.
Shet! Nadapa ako. Sayang naman ang mga kuko kong nakatago sa mga uber kapal kong rubber shoes. Hindi na siguro makahinga ang mga fingers ko dun. Matanggal nga muna.

"Hi cutie!" bati ko sa mga naghihingalo kong fingers sa paa.

Sinuot ko ang aking Ipanema slippers. Wala nang kwenta ang Havaianas ngayon. Masyado na silang overrated at naaabot na ng mga social climbers.
Pero, may one true love ako eh. Syempre, sino pa ba?

Si Fafa Bogartot.
posted by yana. @ 11:58 PM   0 comments
Siomai. [10]

IKASAMPUNG KABANATA.

AVA'S POV


"Lola, alis na po ako. Punta na akong school. " sabi ko kay lola.

"Owkei. Ingatz palagi ah. Imbitahan mo naman si Fafa B mo minsan dito. Para may kalandian naman ako kahit minsan. Kasi bata pa siya. Mahilig ako sa mga 15 years old. Ahihihi." sabi ni lola.

"Ganun po ba? Try ko po. Geh bye." paalam ko.

"Wait lang. Iiwan mo ako mag-isa dito? Doon muna ako sa compyuteran. Magdodota lang.Ah! Magjajamlegend na nga lang ako pra masaya." sabay tawa.

Sabay kaming lumabas ng bahay. Ni-lock ni lola ang pinto.

"La! Bakit niyo po ni-lock?! Pano na kayo papasok niyan?" sambit ko.

"Don't wori! Dati akong akyat-bahay kaya ayos lang sa akin. Baka kasi akyatin yung bahay natin eh." sagot niya.

Dumeretso na ako sa sakayan ng jeep. Kumembot-kembot si lola papuntang kompyuteran.

After 10 minutes.

Nakarating din sa school. Binati ko ang mga taong kakilala ko na nakakasalubong ko.
Sana makita ko na ang "Siomai Prince" ng buhay ko. Na-miss ko siya. Bakit kasi umalis siya kaagad kahapon. Hindi ko tuloy siya nakasamang kumain sa McDollibee. Kasama ko lang si Gino. Hay. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko siya. Makapunta na nga ako sa locker ko.

Sa locker #214. [locker ni Ava.]

"Watta!" bigla kong nasabi.

Bakit may rosas na nakalagay sa handle ng locker ko? At... favorite color ko pa.
Pucha Pink. [Fuchsia]
Ambaet naman ng nagbigay sa akin nito. Siguro si Gino. Hmm. Kainis naman.Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko siya gusto? Napaka-hunghang naman niya kung hinde niya maintindihan yun. Kukuha na nga lang ako ng gamit.

Sa classroom.

[Ang mga classmates ay nagbubulungan ng pumasok si Ava.]

Bakit kaya? Ano nanamang pasabog ang papasabugin ng mga classmates ko? Pakshet naman. Matanong nga ang seatmate ko...

"Oist. Baket kayo nagbubulungan?" tanong ko.

Tinuro niya ang blackboard. Tumingin naman ako. May nakasulat doon. May mga drawing ng mga puso. Napakaganda. At nakalagay pa ay...

Mahal na Mahal Kita Ava .


Ikaw lang talaga.


Ang cute naman. Siguro si Gino nanaman? Bwiset siya. Sana tantanan niya na ako. Kung si Bogart lang sana ang gumawa niyan, ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Kung sana...

Natapos ang buong tatlong period ng walang teachers. Ang saya. Recess na pala. Bakit ganun? Nagpunta ako sa canteen. Walang tao. Bakit ang weird ng araw na ito? Super weird. Tapos may mga arrow pa na naka-drawing sa mga floor. Masundan nga. Walang magawa eh. Busog pa naman ako kaya okey lang mag-skip ng recess.

Sa arrow #1 : YOU

Sa arrow #2 : I

Sa arrow #3 : ANOTHER

Sa arrow #4 : COULD

Sa arrow #5 : FIND

Sa arrow #6 : SEARCH

Sa arrow #7 : NEVER

Sa arrow #8 : MY

Sa arrow #9 : AND

Sa arrow #10 : WHOLE

Sa arrow #11 ; THROUGH

Sa arrow #12 : LIFE

Sa arrow #13 : THROUGH

Sa arrow #14 : AND

Sa arrow #15 : .


Sa pagkolekta nga mga arrows at pagsunod sa mga direksyon nito, napunta ako sa Botanical garden. At may nakasabit na pulang tela. May masking tape sa gilid. Kailangan ko pala ipagdikit-dikit ang mga arrows para maka buo ng sentence. Sinubukan ko ngunit sadyang napakahirap. Hirap talaga. Hmpf!

"Kailangan mo ng tulong?" dinig ko mula sa aking likuran.

Si Bogart.
Napangiti ako ng marinig ko ang kanyang boses.

"Sige" sabi ko.

"Sus. Yan lang pala. Chickenjoy lang sakin yan. Akin na yung masking tape. Ako na bubuo niyan." sabi ni Bogart.

Pagkatapos ng 20 seconds, nabuo na niya ang sentence. At ang kinalabasan ay:

I COULD SEARCH MY WHOLE LIFE THROUGH AND THROUGH AND NEVER FIND ANOTHER YOU.

"Ayan, tapos na. Sa tingin mo ba tama?" tanong ni Bogart sa akin.

"Oo. Tama." pangiti kong sabi.

Gusto ko siyang tanungin.

"Sino sa tingin mo ang gustong magpahatid ng mensaheng 'yan para sa akin?" tanong ko kay Bogart.

"Sino ba ang sinasabi ng puso mo?"

"Ikaw..." Pabulong kong nasabi sa kanya.


LOLA'S POV.

Mai-type ko na nga ang username at password ko.

USERNAME: MapusokNaUod
PASSWORD: ************************

[password: DumiNgKukoSaSingitNgDragon. ahehe.]


"WahhH!!!! Mga Hator!!! SUMUSUGOD SILA!!!" sigaw kong nasabi.

Nagulantang ang mga kabataang na nasa loob ng compyuter shop.

"Anong tinitingin-tingin niyo?" masungit kong nasabi.

At humirit pa ako.

"Sori ah. Hindi ko type ang mga supot na kagaya niyo. Mind your own businessness!"


Bwahahahahaha!!!! Ansaya mag-laro.

Yeah, Imma kewl lola. =]

Teka, makapag-internet nalang ako at mag-YM. Para makapag-meet ako ng poreynjer.
Ahihihi. Oo, alam kong malandi ako. Angal ka?!
posted by yana. @ 11:47 PM   0 comments
Siomai. [9]

IKASIYAM NA KABANATA.



"Hindi naman masyado. Sadyang ganun lang siya. Gusto ka nga niyang makita eh. Kasi sinabi ko na patay na patay ka sa mga siomai niya." ngiting sabi ni Ava.

"Ganun ba? Gusto ko rin siyang ma-meet eh." sabi ko.

"Ahmm...after dismissal, sama ka sa akin umuwi. Pakilala ko sau lola ko. Pero..."

"Pero ano?" pagtataka kong tanong.


Kailangan mong mag-alay ng isang sayaw yung pang macho dancer. bulong ni Ava.

Napatungo nalang ako. Aba! Choosy pa si lola. Dapat mga tinikling lang ang pwedeng sayaw sa kanya. May pa-alay-alay pa siyang nalalaman. Jombagin ko kaya siya. Hmpf! Echos!


Nagbalik impyerno nanaman. Aral. Aral. Aral. Pero kunwari lang yun. Lagay candy sa bunganga habang naglelecture si Sir. Pacute sa seatmate kong maganda. Magpaikot ng bolpen. Matulog. Aral. Bwisitin ang Values education teacher.

dismissal.


Nasaan na kaya si Ava. Hanapin ko nga.
Aba! Siya ba yun? Kasama ni Gino?!
OMGWTFBBQ.sauce! Totoo ba ito?

Nagtatawanan sila.
Nagbablush sila.
Naglulunukan ng tumatalsik nilang laway.
Nagsasampalan.
Naghihimasan.
Naghahaplusan.
Naghihipuan.

Shet! Hihimatayin ako nito. Gugunaw na ang buong sansinuko. Katapusan ko na.
Baket ginawa ng kapalaran ko ito sa akin? Ano bang ginawa ko? Baket? Baket? WHY!?!

Naglakad na ako paalis pero nag-iwan ako ng isang luha sa aking pisngi. Wala lang. Para madrama.

Naglalakad ako na di alam kung saan patungo. Napakadrama ko naman. Isang babae lang naman eh. Isa lang. Mabuti kung isang sako ng NFA ri siya...eh di sana kanina ko pa pinapila si Mama sa mga nagtitinda. Pero bakit ang bigat bigat ng loob ko ngayon? Hindi ko alam ang gagawin. Pupunta na nga lang ako dun sa lovers lane. Para sumilip sa mga magkasintahang naghahalikan na abot na hanggang ngalangala ang kanilang mga dila. Para din magkakuliti. Hmm.

Anong pa ang saysay ng buhay ko ngayon kung wala na ang babaeng nagpapatibok ng aking puso. Ang babaeng nagpapakain sa akin ng masasarap na siomai. Ang babaeng nagpapangiti sa akin na parang wala ng bukas. Ang babaeng mahal ko na higit pa sa buhay ko. Oo, mahal ko siya. Nasira ang buo kong pangarap dahil sa kanya. Bakit? Siya na kasi ang pinangarap ko noon pa. Pagkatapos ng apat na taon, hindi rin pala siya ang para sa akin. Napakasakit naman. Tapos mapupunta pa siya sa taong kinamumuhian ko. Pinandidirihan. Kinasasakiman.

Ngunit ayaw ko pang wakasan ang aking buhay. Marami pa rin akong mga gustong gawin sa buhay. Madami pa akong kabataang sisirain. Marami pa akong mga guro na bibwisitin. Madami pa akong ibibigay na problema sa aking pamilya. Kakain pa ako ng libu-libong siomai. Madami pa akong kutong titirisin. Madami pa akong ichichismis sa aking mga kapitbahay. Madami pa akong mga kaklaseng kalbo na kailangang pag-uuntugin. Marami pa akong isusulat sa aking armchair. Marami pa akong perang lulustayin.

Marami pa akong mga hangarin! Hindi lang ito basta-basta mahahadlangan ng isang babaeng mahal ko. Hindi pwede yon! Baka mapilitan akong isumbong siya kay bonggang bonggang bong bong!

Natigil ang aking mga iniisip ko nang mahulog ako sa kanal.
Bwisit.

Ayan tuloy. Uuwi ako ng mabaho at umaalingasaw.
Sumakay ako ng tricycle. Nakarating naman ako sa bahay ng mabilis. Thanx kay manong driver na sweet lover. Ahihihi.

Babayaran ko na sana ang driver nang...

"Anak, wag mo na akong bayaran. Ingat ka. Mauna na ako." Sabi ni itay.

Humarurot agad ang tricycle at hindi niya ako binigyang ng chance para magsalita. May pahabol pa si itay.

Anak! Mahal kita. sigaw niya.

"Mahal ako ni itay?" tanong ko sa sarili ko.

Talaga lang ha. Sus. Makapasok na nga sa bahay. Naghihintay na ang mga hanger ni Mama.

Pumasok na ako sa loob.

"I'm very proud of you. Galeng mong magluto ng siomai. May future ka! Bongga di ba?!"

"Tinikman niyo ang siomai ko?"tanong ko.

"Obvious ba?"

Iniba ko agad ang usapan.

"Ma, tricycle drayber pala si Papa. Sumakay ako kanina sa kanya."

"Wag mong tutularan yon. Sasabihin ko na sa'yo ang totoo. "

Hinila ako ni Mama sa tenga papuntang kusina. Masakit. Hapdi sa tenga.

"Sana matanggap mo ang katotohananan. May kapatid ka sa labas. Anak ng tatay mo sa kabit niya. Nabalitaan ko sa aking mga amiga na Gino ang kanyang pangalan. Gino Lim. Nag-aaral din daw siya sa paaralan mo. Sana maintindihan mo." niladlad ni Mama.

Kay sakit ng mga katotohanan. Kapatid ko pa ang ka-agaw ko sa babaeng minamahal ko.
Hindi ako susuko!
Lalandiin ko rin si Ava. Wahahahaha!
Kelangan kong magpadag-dag ng pogi points. Kelangan kong magkaruon ng malakas na sex appeal. Woohoo!

In your friggen' face Gino Lim! Hindi kita tanggap bilang kapatid. Eat my ass!
Bukas na...bukas ko ipapadama ang bagsik ng aking alindog!

Bagsik ng alindog.
Asim ng kilikili.
Kisig ng katawan.

Walang aayaw. Think positive.

posted by yana. @ 11:40 PM   0 comments
Wednesday, August 19, 2009
Siomai. [8]

IKAWALONG KABANATA.



Hay.
Nakalabas na rin ng ospital. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko kahit napakababaw ng mga problema ko. Hirap talaga ng buhay kapag pogi kase habulin ng mga delubyo. Gutom na ako. Gutom na gutom na ako. Gutom na talaga ako. Tama na! Gutom na ako. Utang na loob, pakainin niyo na ako.

Ayun.
Nakakita ako ng isang malapit na karinderya. May sinkwenta akong pera at siguro kakasya na 'to pambayad ng ulam at kanin. Lumapit ako sa karinderya.

Mama Shita Karinderya.

Wow. Ayos naman ng pangalan ng karinderya. Mukhang sosyal ah. Ahehehe. Jowk lang!
Nilapitan ko ang ale na nasa counter. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang feeling. Para bang nahi-high ka. Yung tipong mga over sa ecstasy at gusto mong mang-trip. Kaya, ayun. Umariba ako.


Aaaahhhh!!!!! sabi ko.

Nilagay ko ang aking mga kamay sa ulo ko.
Biglang nanlaki ang mga mata nung ale. Namuti at muntik ng malaglag ang kanyang mga eyebols. Nanginig at ninerbyos ang ale. At...

Acting lang..! biro ko kay ale.

"Loko kang bata ka ah!!! Ano ba problema mo?!" sigaw sa akin nung ale.

"Financial po." sagot ko.

"Abay, tinatarantado mo ata ako eh! Ano ba hanap mo ha? Para tigilan mo ko sa mga walang kwenta mong biro?"

"Pagmamahal at pag-uunawa po."

"Sasapakin na kita. Umayos ka. Nu ba gusto mo?"

"Isa nga pong order ng menudo. Paki-tanggal po yung mga carrots dun. Isang takal po ng kanin. I-double check nyo po kung walang tutong at walang pilik mata nyo ang nahulog dun. Lastly, tubig po. With ice ha!" hirit ko.

"Choosy pa ba? Antayin mo muna order mo. Haysus ginoo! " sabi nung ale tapos tumalikod na siya para sabihin sa cook yung order ko. Oh 'di ba?! Vongacious!

After 50 Golden years...dumating na ang aking mga in-order. Umupo na ako sa bakanteng upuan na hindi ko alam kung tubig ba o pawis ang nasa upuan. Bahala na nga. Nagsimula na akong kumain. Mga 5 minutes, tapos na ako. Nagpahinga muna at nagpalinga-linga. Bigla kong nakita ulet ang lola na nakita ko sa simbahan. Yung lolang naka-metallica na t-shirt. Pero ngayon, iba na ang damit niya. Kahit iba na ang pang-gayak niya, pansin pa rin na siya nga talaga ang matanda na nakita ko sa simbahan sa nag-split at nagbigay sa akin ng siomai bago ako tamaan ng humahagupit na bola.

Nagpakulay si lola ng buhok. Pure black ito. Tapos naka-ponytail siya at may bangs na nakatakip sa isa niyang mata. Naka-my chemical romance na t-shirt siya ngayon. May checkered red skirt siya. Tapos naka medyas na mahaba na abot hanggang sa kanyang mga kulubot na tuhod. Syempre black and white stripes ang kulay. Ang sapatos naman ni lola ay black na high-cut na Chuck Taylor. Asteeg!

Tinawag ko siya.

"Hi lola!"

Tumingin siya sa akin. Yung mata niya may black eyeliner na lagpas-lagpas. Asteg!
Lumapit sa akin si lola. Kinausap ako.

"Iho, naaalala pa kita." sabi niya sa akin.

May hinugot siya mula sa kanyang tadyang...
Jowk lang!
Sa bulsa lang niya.

Isang papel na nakatupi. Ibinigay niya iyon sa akin.

"Buksan mo lang yan kapag nasa bahay ka na. Kung hindi, may masamang mangyayari.Wag mong iwawala iyang papel. Magsisisi ka!" sabi ni lola.

Nakakatakot naman si lola. May pahabol pa ata siya.

"Iho, may isa akong tanong. Direchuhin mo ang iyong sagot." tanong niya.

"A-anu ho 'yon?" takot kong sabi.




Bagay ba sa akin ang emo look?


Muntik na akong himatayin. Napa-oo ako ng hindi oras.
Umuwi na ako agad sa aming bahay.
Syempre. Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Buksan ang papel na nakatupi. Eto ang nasa loob.

Ang Malupet Na Sikreto Sa Likod Ng Malinamnam na Miracle Siomai.


Ang Sangkap na : LOVE.


Ows? Talaga lang ah. Baka mas gustuhin ko pang kumain ng siopao na may palaman na pusa. O kaya pinatuyong itlog ng kabayo.

Love?! May tinda ba sila sa palengke nun?
Anu ba yun? Seasoning, brand ng baboy, tatak ng minola , asawa ni boy bawang???

Hay nuku!
Makapunta na nga lang sa inernet shop para makapaglaro ng jamlegend at mabuksan ko na rin ang aking friendster.

Pagkatapos ng 3 oras, natuyo ang mga eyebols ni Kaleb dahil sa sobrang kakatitig sa computer at dahil natuyo rin ito dahil nakatapat ang electric fan sa kanya.

Hayy....minsan nakakatamad na rin mag-computer. Gusto kong kumaen.
Kumaen ng siomai ni Ava. Siomai. Siomai, Miracle Siomai.
Aba!
Gawa kaya ako ng siomai?! Shure!

Agad akong sumakay ng jeep papuntang SM San Lazaro. Punuan ang jeep. Kainis naman. Napilitan tuloy akong sumabit. Aba! May nakisabit rin. Ginaya ako kahit pinagbabawal na nila mamang pulis. Biruin mo naman at babae pa ang sumabet. Naka-short shorts pa siya tapos yung sleeveless ispaghetti na top na kita pusod na maitim. Nang itaas na niya ang kanyang mga kamay, diyosmiyo marimar! Wag mo nang alamin kung ano pa ang nakita ko.

Nang may bumaba na sa jeep, sinabi ko sa babae na umupo na sa loob. Ayaw eh, may pasunget effect pa siya. May pa- hmpf na expression ba siya. Aba! Syempre hindi ako magpapatalo. Lumaking palaban ata 'to! Teka, aariba nga ako.

Teka, malapit na....

Malapit na malapit na......

Eto na....

Eto na....

Wahhh!!!!....

Papalabasin ko na ang aking super power na tinawag kong "Chingtot."

Aching [bahing po 'toh ah.] sabay utot. Oh 'diba? Bongga!


SUPER CHINGTOT!!! I CHOOSE YOU!

Ayun. Lumabas na ang aking supergalacticmagneticintergalactic power!
Nakita ko ang mukha nung babae. Nagmukhasim. Syempre, no choice siya kundi pumasok sa loob at umupo sa bakanteng upuan. Mwuahaha! Ah weak pala siya! Bano!
Banonita! Wahahaha! Anlakas ko! Wooh!

Biglang nagtinginan sa akin ang mga pasahero. Nababaliw daw kasi ako.
Mga tao nga naman ngayon, hindi pa rin nila kayang iwan ang nakalipas kasa hindi nila kayang harapin ang bukas. Tss. Kawawang mga pasahero.

Eto na pala. San Lazaro na. Siksikan din sa entrance. Syempre, ano ba dapat gawin ng mga henyong tulad ko?! Eh di gayahin ang nasa mentos commercial! Daan sa exit at patalikod ang hakbang! Di ba?!

SUCCESS! Nagawa ko. Antatanga ng mga guards.

Tinakbo ko ang grocery. Ni hindi ko alam kung ano ang mga dapat kong bilhin. Basta...di ko alam kung bakit ko alam ang mga ingredients ng siomai sa panahong ito. Basta...kelangan ko ang mga ito:

3/4 pound ground pork
1/4 pound raw shelled shrimp
1-1/2 tbsp soy sauce
1/2 tbsp Chinese rice wine
1/2 tbsp sesame oil
1/2 tbsp sugar
Dash of pepper
1 egg white
1-1/2 tsbp cornstarch
won-ton skins green peas

Wah! Oh diba.. lufet! Asteg! Rak en Rol!

Pagkatapos ng 1 oran ng pag-iikot sa buong grocery store.

Natapos rin sa awa nd Diyos. Makauwi na nga.

Dahil sa sobrang excitement ni Kaleb, napalipad sila sa kanyang bahay upang magluto.
[excuse lang 'toh para hindi na humaba ang pag-uwi niya. kakaumay kung palaging sa jeep ang bagsakan eh.]

"Mom! I'm home!" sigaw ko sa bahay.

Aba. Walang tao sa bahay. Hmm....Makagawa na nga ng siomai.
Kinuha ko ang mga kelangang kunin. Hinugasan ko ang mga kailangang hugasan. Ayan tuloy. Nagmukha akong muchacha. Di bale, wala namang nakakakita. Ahehehe.

Nagluto na ako. Kahit di ko alam kung paano ang proseso. Ikinalat ko ang mga wrappers. Nag-experiment. Nagkaroon ako ng isang batalyong paso dahil sa apoy. Parang hindi ako ang kumikilos upang gumawa ng siomai ko. Hinayaan ko nalang ang aking sarili na panuorin ang aking mga kamay na magluto. Parang tipong ratatatouille. Basta, me ganon!

Nagulat na lang ako sa nakita ko! Tapos na ang siomai. Tinikman ko ito.

Masarap na sana pero may kulang. May kulang! Nakakabiten! Bwishet!
Naalala ko ang secret ingredient ni lola. Love daw. Ano 'yon?
Hay naku. Ilalagay ko na nga muna dito sa pridyider ang mga siomai. Baka lapain ng mga mababait o kaya mapanis pa.

Itutulog ko na nga lang ang bitin ko sa siomai.


Nanaginip ulit ako.

Si lola. Si lolang naka-metallica. Si lolang naka-emo outfit.
Si lola.Naka-bra at panty nalang.

Nakakatakot.
Nakakapangilabot.
Kagimbal-gimbal na eksena sa buong buhay ko.

"Iho, love. Unawain mo. Iyon din ang magtutulak sa'yo para malutas ang mga suliranin mo. Iyon din ang sikreto sa miracle siomai na hanap mo. Unawain mo iho, unawain mo. LOVE!!!"

Nag-fade si lola. Nalaman ko na lang na basa ang unan ko. Hindi sa unan. Sa laway. Kadire naman ako. Shet! Nabawasan pogi points ko!

Teka, LOVE! Paano ko uunawain yun. Si lola talaga. Ang tanda-tanda na, lumalandi pa. Bilib ako sa lolang yun! Sana ganun lola ko, asteg!

Tumalon ako sa aking kama. Nag-stretching. Bumalentong. Umaga na. Papagawa muna ako ng excuse slip. Balik eskwela nanaman. Balik impyerno. Sana kung buhay natin ay pa-tambay-tambay lang. Tapos kakain ng siomai. Tapos, tulog na! Ansaya siguro nun. Kelan kaya mangyayari yun. Mangyayari kaya iyon?

Naligo. Nagbihis. Kumain. Nagtoothbrush. Nagpaggawa ng excuse slip. Sumayaw ng 'Igiling-giling". Nagsapatos. Nagpa-pogi sa salamin. Landiin ang kapitbahay. Lumakad na papuntang school. Kunwaring nag-aaral. Nakipag-high five kay Kata. Trying hard maging teacher's pet kay Ma'am Charing. Nag-cram sa test sa Physics. Nag-recess. Kumaen ng dalawang chips ahoy. Uminom ng tubig sa drinking fountain. Kunwaring nag-aral ulit. More kunwaring nag-aral ulit. Nag-lunch...

"Kaleb! Siomai mo oh. Bakit ka nag-absent?" bati sa akin ni Ava dala-dala ang isang taperware ng siomai.

"Ah. Mahabang storya. Maiinip ka lang. Isusummarize ko lang. Na-ospital ako dahil tinamaan ako ng rumaragasang soccer ball."sagot ko.

"Kawawa ka naman. Kainin mo na yung mga siomai na gawa ng lola ko. May halong love daw 'yan."




Love!

Hindi kaya ang lola ni Ava ang lolang naka-metallica, naka-emo outfit at ang naka-lingerie?!

"Ava, yung lola mo ba ay pabata ng pabata tulad ng movie na "The Curious Case of Benjamin Buttones?"

posted by yana. @ 5:22 AM   0 comments
Siomai. [7]

IKAPITONG KABANATA.


Nanaginip ako. Isang napaka-wirdong panaginip.Pinapasulat daw ako ni Kata sa kanyang autograph notebook.

Eto daw ang mga sinagot ko:

INFORMATION

Name: Bogart Intal
NICKNAME: Kaleb
AGE: 15
ADDRESS: 666 Satan St. Demon's Lounge, Hell
BIRTHDATE: February 13, every year
BIRTHPLACE: Tundo daw?
CELL NUMBER: 09166666666
SCHOOL: USTHS

FAVORITES

SUBJECT: Recess, Lunch, Dismissal
BOOK: Sori ah, allergic ako dun eh
FOOD: SIOMAI, ftw!
DRINK: Tubeg.coke.laway ko.
PET: Pussycat dogs.
FLOWER: Basta yung hindi mabango
COLOR: Transparent & Rainbow
SINGER: Totoy Pavarotti
ACTOR: Arnold Schwarzt...Swazen...Clavio.
ACTRESS: Anne Cortez. (Kampanerang Booba)



PERSONAL

DESCRIBE YOURSELF: Wicked and Wild...[oha! walang gagaya!]
AMBITION: To be a rockstar.
MOTTO: Study hard. Play harder.
LIKES: Siomai, concerts, deathmetal, headbang!
DISLIKES: Posers, fillers & Erap.
WHATS A FRIEND: A friend is someone you can depend on.
WHO IS UR BESPREN: Kata foreber.
DEFINE LOVE: Love is one of the most difficult questions for the mankind. [weh.di nga]
WHO IS YOUR CRUSH: A_ _ ... hulaan mo. binaligtad ko pa name niya. ahihihi.
UNFORGETTABLE MOMENT: nang nakita ko xa.
GOALS: Kilabot ng Tondo.


DEDICATION

My ever dearest bespren Kata,

Magpakatino ka na. Thanx for letting me sign on ur autograph.
I labshu bespren!

-Kaleb-

::::::::::::::::::::::::::::

Ayun. Nagising ako sa hilik ni ate, sa utot ni Mama, sa mga ungol ng mga kaluluwang nasa paligid. Katakot noh? Jowk lang! Hindi umutot si Mama. Natae na talaga. Ahihihi.

Binuksan ko ang aking mga mata. Nagsimula na akong magsalita.

"Simula ng magising ako sa pagka-comatose, nakakakita na ako ng mga multo. Pero ngayon, ginagambala na nila ako."

"Tumigil ka sa pag-aastang Robin Padilla ah! Tutuluan kita ng laway dyan eh!" Sigaw ni ate.

Pinikit ko ang mga mata ko. Ano ba ang nangyare? Bakit ako nasa ospital?

Sino ako?
Syempre, ako yung pinaka-gwapong nilalang sa buong mundo! Wahahaha!
Baliw pa rin ako. Takte.

Pinabukas ko kay ate ang TV na naka-dikiet sa taas. Nilagay ko sa channel 2. Walang magandang palabas. Sa channel 7. Wala ding maganda. Pinatay ko nalang at pinikit muli ang aking mga mata. May bumubulong sa akin.

Iho, magpakatino ka na. Ayusin mo buhay mo. Ipaglaban mo ang pagmamahal mo. Patawarin mo ang mga nararapat patawarin. Mahalin mo ang iyong mga magulang. Respetuhin mo ang iyong kapatid. Pagbutihin mo ang pag-aaral. Magpakasaya ka na. Gagabayan kita.

Nakatulog agad ako. Sino kaya yung bumulong sa akin?
Hay...Susundin ko na nga lang yung mga sinabi niya.


Sabi ng doktor, bukas pwede na daw akong umalis sa ospital. Hindi naman nabasag yung bungo ko sa tama ng bola. Sadyang maarte lang daw ang mga ugat ko sa ulo kasi patuloy itong dumudugo.

Nakakamiss ang siomai ni Ava. Kasing-sarap ng mahiwagang siomai ni lolang nasa simbahan.

Hay....
Kamusta na kaya si Ava? Napa-develop na kaya ni Jacob ang mga pictures? Ano na ang status nina Ma'am Arboleda at Sir Vayag? Hinahanap pa kaya kami ng guard? Si Papa, galit pa rin ba siya sa akin? Kailan ang PULP Summerslam 2009 concert? Panis na ba ang mga siomai na dinala sa akin ni Ava? Nagtatawag pa rin ba ang kundoktor? Tapos na bang tumae si Mama? Anong ibig sabihin ng panaginip ko? May connect ba iyon sa buhay ko?

Sadyang madami akong tanong na hindi ko masagot. Kailangan ko na itong sagutin. Pero wag ngayon, kakatamad eh.

Huling banat na.Bakit walang kwenta mga iniisip at ginagawa ko?

posted by yana. @ 4:45 AM   0 comments
Tuesday, August 18, 2009
Siomai. [6]


IKAANIM NA KABANATA.



Nagpunta ako sa UST. Ayaw akong papasukin ng guard kasi wala daw akong ID. Kinausap at kinulit ko ang guard. Tsaka ayoko pang magpakamatay. Nakakatamad kumuha ng kutsilyo. Maalinsangan pa ang panahon. Sobrang init. Bahala na ang mga mangyayari. Wala rin naman kasing patutunguhan ang buhay ko kaya bahala na. Bahala na si Majinboo.

Balikan muna natin si Manong guard.

"Manong, pupunta lang po akong ospital. Ang tatay ko po naghihingalo na. Tapos yung nanay ko po nagsusuka na ng dugo. Isama mo na ate ko. na-lock daw po siya sa C.R...Ayaw ko po silang mawala. Papasukin niyo na po ako. Mahirap lang po kami. Walang makain. Walang permanenteng tirahan. Namamasukan lang po ako dun sa Avenida bilang macho dancer. Ginagamit ako ng mga bakla. Masakit pa nga po ang pwet ko hanggang ngayon eh. Aruy..."

Malapit ko ng maisahan 'tong hinayupak na guard na 'to. Antagal naman. Natatae na ako.

"Ganun ba iho? Sige. Kawawa ka naman. Nawa'y gabayan ka ng Diyos." mangiyakngiyak na sinabi ni Kuya Gward.

Ayun. Nakapasok rin.
Dumeretso ako sa simbahan upang manalangin. Ambaet ko noh? Akalain mo yun.
Basta its a miracle....hindi na ako natatae. Salamat sa Diyos!
Umupo ako sa isang bangko. May ka-bangko ako na isang matanda. Ubo ng ubo.
Ubo ng ubo si lola. Parang scripted lang. Halatang hindi totoo ang ubo niya. Pero infairness, ganda ng t-shirt niya ah. Metallica. Wow. Antarush.

Lumuhod na lang ako at nagdasal ng taimtim. Wala na akong alam gawin kundi lapitan ang mahal na poon.

Lord, patawarin niyo po ako sa mga sala na ginawa ko.
Patawarin niyo po sina Sir Vayag at Ma'am Arboleda sa ginawa nilang paglalampungan nung isang araw.
Patawarin niyo po ang malibog na kundoktor.
Patawarin niyo po si Gino sa pagiging demonyo niya.
Patawarin niyo po ang kamanyakan ni Ava.
Patawarin niyo po ang mga taong nagkakasala oras-oras. Hindi po nila lubusang alam ang mga ginagawa nila.
Patawarin niyo po si Alyanna sa mga kalokohan niya.
Lord, sori po talaga. Patawrin niyo po ako sa mga katarantaduhang ginagawa ko. Sa pagsagot sa nanay ko at sa tatay ko. Hindi ko po talaga alam ang gagawin ko. Tulungan niyo po ako.
Gabayan niyo po ako sa mga pagsubok na aking tatahakin.
Bigyan niyo po ako ng lakas ng loob.
Salamat po sa mga biyayang natatanggap namin araw-araw.
I love you, Bro.

Tsaka...patigilin niyo na po ang pag-ubo ni lola. Napansin ko na po ang bagong t-shirt niya.


Nag-sign of the cross na ako at kinausap ko na si lola.

"Lola, ganda ng t-shirt niyo ah!" Sabi ko bago ako umalis.

Ngumiti si lola at sumigaw "Thanks God! Nasagot na prayers ko! May nakapansin sa bago kong t-shirt. Iho, bilang gantimpala, sa'yo nalang ang mga siomai ko."

Nag-tumbling at nag-cartwheel si lola. Sumayaw pa ng igiling-giling. Tapos nag-chacha. Nag-krumping pa. Oha! Tapos may bonggang-bongga pa siyang ending, nag-split pa!

Inistorbo ko ang kasayahan niya. Hayaan niyo muna akong umariba.

"Talaga ho?! Salamat po!" Sabi ko.

Iniabot sa akin ni lola ang isang supot na naglalaman ng mga sampung siomai.
Lumabas na ako sa simbahan at nagtungo sa field. Hay....kakain na nga lang ako ng siomai.
Siomai, siomai, siomai. Baket ang sarap mo? Ano ba ang sikretong nababalot sa iyong sarap at malinamnam na lasa.

"DOOOG!" [sound effect ng bola na tumama sa noo ni Dainiele.]

"Ugh!" Ang tunog na nalunok ng buo ni Bogart ang siomai. [Masakit un ah!]

Naghihingalo na si Bogart. Madami siyang nakikitang mga maiitim na bagay. May babaeng naka-itim at lumuluha ng dugo, may batang lalaking walang ulo at may matandang naka-barong na nakakapangilabot ang mukha.

Nakarinig si Bogart ng malalakas na sigawan. Ang mga huli niyang narinig ay,

"Isugod natin sa ospital!"
"Aray, natamaan ng bola yung bayag ko!"
"Dugo! Dugo! DUGOO!!!!"

at syempre may bumulong pa...



"Ako ang sundo mo."

posted by yana. @ 2:13 AM   0 comments
About Me

Name: yana.
Home: Manila, Philippines
About Me: 'Wag mo na akong kilalanin. Magsisisi ka, peksman.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Sidebar Section

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Duis ligula lorem, consequat eget, tristique nec, auctor quis, purus. Vivamus ut sem. Fusce aliquam nunc vitae purus.

Links

Free Blogger Templates

BLOGGER