mabagsik ang alindog ko.
Monday, August 17, 2009
[panimula]

Pakinggan mo muna ang aking panimula

Bago mo ako pagtawanan at bigyan ng pagkukutya,
Nais ko lang magbahagi ng aking mga kaalaman
Kahit corny man o hindi, sana'y intindihin mo ang aking kinalalagyan.

Alyanna Veloso ang aking pangalan
Doon sa Tundo ako'y nananahan,
Marahil may pagkasanggano ang kilos ko
'Wag kang matakot dahil 'di ako lumalamon ng tao.

Ako'y nasa ikalabing-tatlong taong gulang na
Oo ako'y medyo bata pa,
Mukhang inosente at may pagka-ignorante pa
Pwes, ibahin mo ko. Baket, may angal ka?!

Sa UST ako nagpapakita ng katamaran
Hindi ko lang talaga alam kung saan ko ibubuhos ang aking kasipagan,
Ayaw ko nang mag-aral ngunit hindi dapat ako sumuko sa laban
Sapagkat sa isang Biogesic lang napapawi na ang mga sugat na natamo sa digmaan.

Isa lamang akong tao na may determinasyon sa buhay
May gustong makamit para sa inaasam-asam na matinong talambuhay,
Ayoko lang talaga ang pinapahirapan ako
Mag-ingat ka sa akin at baka ika'y majombag ko ng todo.

Ganyan talaga ang buhay
Ito'y isang mahabang paglalakbay,
May mga pagsubok nga lang na dapat makisalamuha
Para makita ang katatagan natin at ialay kay Bathala.

Sana ay kilalanin mo muna ako ng husto
Kahit walang kwenta ang mga ilalagay ko dito,
Basta manahimik ka na lang
Kung puro katangahan lang ang iyong isusumamo.

posted by yana. @ 2:39 AM  
0 Comments:

Post a Comment

<< Home
 
About Me

Name: yana.
Home: Manila, Philippines
About Me: 'Wag mo na akong kilalanin. Magsisisi ka, peksman.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Sidebar Section

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Duis ligula lorem, consequat eget, tristique nec, auctor quis, purus. Vivamus ut sem. Fusce aliquam nunc vitae purus.

Links

Free Blogger Templates

BLOGGER