mabagsik ang alindog ko.
Tuesday, March 16, 2010
Kubeta King
Una.

Tanghaling tapat, may shooting na agad. Si Jerik ay umaariba. Ang kaaway ay umeeksena. Ang mga nagtatanghalian sa karinderya ay uminom na lang ng tubig at nanuod ng away. Ang mga kapitbahay ay nakichismax.Ano nga ba ang nangyari? Ang lakas ng sigawan. Sobra ang panlalait ng magkabilang panig. Isa palang gangsta ang kumakalaban kay Jerjer. Isang gangster na taga-Olonggapo. Walang sino man ang nakaaalam ng tunay na dahilan kung bakit sila nag-aaway. Isang nakapagtatakang misteryo. Kaya, nanood na lang sila ng away na walang humpay.

"Hoy lalake! Alam mo bang mukha kang abnormal? Tignan mo nga 'yang suot mo, mukhang tanga. Pero ang mukha mo mas mukhang tanga." -gangsta

"Berdugong gangster! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo ah. Alam mo din ba? Kamukha mo yung pwet ko. Yung left side." -Jerik.

"Aba! Ang yabang mo ah! Akala mo kung sino ka. Baka 'di mo kilala kung sino ang binabangga mo?

"Wala akong paki kung sino ka! Ulol! Tae ka! Paksiyet!"

May isang hunghang na umextra at sinabihan si Jerjer ng:

"Ui. Maghunus-dili ka kapatid. Anak 'yan ng sindikato at kapatid niya ay isang mamamatay tao. Maraming back-up 'yan. Magtago ka na!"

"Hina mo pala. Bano! Weak! Pwes, ako ay anak nd DIyos! Utol ko si Hesukristo! Baka gusto mo kainin ko pa kaluluwa mo tapos isusuka ko sa impyerno?"-Jerik

Nagpakawala ng isang malakas na halakhak si Jerjer. Humanga ang mga kapitbahay kay Jerik. Napatameme ang gangster sa sinapit na hardcore hebigat na pambabara. Pagkatapos ng ilang sandali, may lumapit na tanod na mukhang hunyago. Dinala niya si Jerik at ang gangsta sa barangay.

Sa opis ni Chairman.

Busy manuod ng bold si Chairman sa bago niyang cellphone bago niya nasulyapan ang pagmumukha ni Jerik. Nawindang siya at agad niyang tinago ang cellphone sa loob ng kanyang brief.

"Ikaw nanaman,suki? Malapit ka nang maging egular costumer dito ah. Puno na ang record mo dito. Ano? Bakasyon ka muna sa loob ng kulungan. Para ma-feel mo naman ang mga kinakalawang na rehas."

"Ulol. Utot mong green." sambit ni Jerjer.

"Bibigyan uli kita ng isa pang pagkakataon. Magpakatino ka na. Ayoko nang bumalik ka dito. Kung hindi ko lang kaibigan ang mga magulang mo, siguro'y matagal na kitang pinagahasa kay Jollibee eh. Hay naku bata ka! Sige, layas na!"

Napatingin si chairman sa gangster na nasa state of shock pa rin. Tulala, nanlalaki ang mata at tumutulo ang uhog.Isang beses pa lang ata naka-experience 'tong gangster na 'to na mapahiya sa buong madla. Ang lakas ng epekto ng away nila kanina sa kaniyang buhay. Isusuko na niya ang pagiging gangster. Mamumuhay na lamang siya ng simple at maninirahan sa bundok. O kaya magmamahal na lang siguro siya ng bakla. Ang layo sa context. Ang layo sa awayan. Gnayan ang epekto ng taong nawalan ng dignidad. Daig pa ang adik na nawalan ng marijuana.

Sa apartment nina Tito Bhoy.

Magulo ang bahay. Nagkalat ang mga baraha. Mapanghi ang kubeta. Puro kalat ang la mesa. Basag ang lampara.
Tila dumaan muli si Ondoy para lumikha ng karumal-dumal na sakuna. Ayan ang nadatnan ni Jerik sa pag-uwi niya. Nakapagtataka. Wala si Tito Bhoy at si Tarwin. Lumabas muna si Jerjer upang maghanap ng mga kababalaghan at gumawa ng kabalastugan.

Sa paglalakad, may napansin si Jerik na bebot. Naglalakad ng pasuray-suray. Halatang naka-inom. Sinubukang iwasan ni Jerik ang babae ngunit sa kasamaan palad may nangyaring di kanais-nais.Nasukahan ng babae si Jerik. Napa-omgwtfbbq.sauce si Jerjer. Nakakadiri ang suka. Amoy red horse na hinaluan ng mabantot na hininga.

"Hoy! Ano ba? Kung lalaklak ka, siguraduhin mo naman na makokontrol mo! Lintek!" -Jerik.

Hindi alam ni Jerik kung ano ang gagawin niya. Tutulungan ba niya ang babae o hindi. Napag-isip-isip si Jerik. Matagal na siyang hindi nakagagawa ng mga mabubuting bagay. Siguro'y itinakda ng Diyos na may babaeng biktima ng karahasan ng alak na sumuka sa akin para tulungan ko. Dali-daling binuhat ni Jerik ang babae at dinala sa apartment.

Sukahan galore sa bahay. Lalong lumala ang baho ng kanilang inuupahan. Mas masahol pa sa kwadra ng kabayo. Hiniga ni Jerik ang babae sa sofa tapos nilinis muna niya ang paligid. Isang achievement iyon sa talambuhay ni Jerjer. Pers time niya kasi maglinis. Karapat dapat siyang i-clap clap. Pagkatapos niyang maglinis, kumuha siya ng malinis na tuwalya at binasa ito. Inilapag muna niya ang basang tuwalya sa mukha ng babae dahil iinom muna siya ng tubig dahil nauhaw siya. Binalikan niya nag babae at pinunasan. May kamukha ang babae. Yung right side naman ng pwet ni Jerik. Hehe. Kumuha si Jerjer ng malaking t-shirt para palitan ang mabahong damit ng babae. Walang kamalay-malay ang babae na hinuhubaran na siya. Walang reaksyon si Jerik ng makita niya ang kulay pink at may design na Hello Tweety ang bra ng babae.

Naglatag si Jerjer ng kumot sa ibaba ng sofa. Inilipat niya ang babae dun at siya naman ang matutulog sa sofa. Praktikat at mahusay. Isang tatak ng tunay na lalaki. Natulog silang dalawa. Mahimbing. Pero parehas naman silang pinapapak ng lamok. Nakalimutan ni Jerjer sindihan ang katowl. Alas tres na ng madaling araw, nagising si babae at napasigaw.

"Nasaan ako?! Hoy, ikaw lalake, ginahasa mo ako no? Gago ka! " sigaw ng babae.

"Asa. Kapal mo naman para magsabi na ginahasa kita. Tinulungan ka na nga 'tas yan pa ang iaasta mo. Respeto naman. Asan ba ang iyong sentido kumon? Sus. Matulog ka na lang." sabi ni Jerik at ipinikit ang mga mata.

Humagulgol ang babae. May halong hinagpis at poot ang kanyang mga luha. Pati na rin ang sipon.

"Hindi na 'ko virgin. Hindi na 'ko virgin." paulit-ulit na sinasabi ng babae.

"Hindi nga kita minolestiya! Ang taas naman ng pangarap mo. SIno ka ba? Magpasalamat ka naman. Tinulungan na kita. O siya. Kung magmumukmok ka lang dyan, lumayas ka na dito." - Jerjer

First time in the history of life ni Jerjer, sinampal siya. Nagbago ang mukha ni Jerjer. Kakaiba. Nakakatakot. Nakakapanindig-balahibo. Nakakasindak. Asteeg.
posted by yana. @ 3:34 AM   0 comments
Kubeta King [panimula]
PANIMULA



May dalawang magkapatid na taga-Tondo. Sila ay sina Jerik at si Tarwin. Nakatira sa isang inuupahang apartment. Parehong out-of-school youth dahil sa kahirapan. Napipilitan magtrabaho agad kahit sa murang edad. Hindi sila pinagbigyan ng tadhana upang mamuhay ng marangya. Tanggap naman nila ang mapait na katotohanan. Anumang pagsubok ay kaya nilang harapin.'Bahala na' ang palagi nilang sinasambit. Gagawin nila ang lahat para lang magkapera pang-kain lang sa isang araw. Kahit papaano, may iba silang paraan para matuto. Halos lahat na ata ng trabaho ay pinasukan na nila. Magtinda ng mga pirated na DVD ng Boys over Flowers. Maglako ng sampaguita sa Quiapo. Mag-ihaw ng isaw. Mag-punas ng pawis. Tagabuhat ng mga padala sa pier. Taga-hatid ng mga tapsilog sa mga bahay-bahay. Taga-butas ng gitna ng donut. Maging payaso tuwing may children's party. Tagalinis ng inidoro ng kapitbahay. Taga-advertise ng mga ipinagbabawal na droga sa kanto. Taga-bilang ng mga butil ng bigas. Maglagay ng Coke sa plastik.Maging referee sa mga batang naglalaro ng pogs. Sobra ang sakripisyo pangkain lamang at sa pang-araw-araw na gastusin. Hay. Sadyang mapaglaro nga naman ang tadhana. Pati DOTA nadiscover na.

Tulad ng ibang magkakapatid, magkaiba si Jerik at Tarwin ng ugali pero parehas silang asteg. Lumaki sila sa piling ng kanilang tiyuhin na itago na lang natin sa pangalang Tito Bhoy. Namatay kasi ang mga magulang nila dahil sa bangayan ng kanilang mga kapitbahay. Pinagbintangan sila na nagnanakaw ng electric fan, ang kaisa-isang appliance ng kapitbahay. Ayun, napasabak sa giyera ang mag-asawa. Tila bumuo sila ng sarili nilang World War III. Nasawi sila dahil itak lang ang mayroon sila. Hindi nila alam na may m16 na nakatago ang kapitbahay. Kaya ganun, ang magkapatid na Jerik at Tarwin ay ipinaubaya na lamang kay Tito Bhoy.

Si Tito Bhoy. Siya ay mayroong ilegal na pasugalan sa loob ng kanilang apartment. Hindi siya mauubusan ng mga baraha. Araw-araw na lang may mga nagsusugal. Sideline nga niya ang mag-magic trick. Oha? Ayan ang mahusay. Ang kita niya sa isang araw ay ipangtataya niya sa sabong at sa lotto. Naniniwala kasi siya sa swerte. Tuwing mag-a-alas sais ay dederecho na siya sa tayaan ng lotto. Basta, ang buhay ni Tito Bhoy ay umiikot lamang sa sugal at pera. Simula ng namulat siya realidad, nagpakalunod na lamang siya sa baraha. Iniwan kasi siya ng kasintahan niyang katextmate. Tuwing magtatalik daw kasi sila ay palagi na lang may tae si Tito Bhoy sa brief. Ngayon, nagdadalawang isip si Tito Bhoy na magmahal na lang ng kapwa lalaki o kung magpakamartyr at magsilbi sa Diyos.

Kilalanin muna natin ang magkapatid.

Si Jerik.
Minsan Jerjer ang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Kung sino man ang makakarinig ng pangalan niya, mangingisay na agad sa takot. Siga at basag-ulo kasi sa kalye. Buong kalsada ay kilala siya. Superstar sa Tondo kumbaga. Siya ay magaling dumiskarte at matinik sa chicks. Malupit din 'yan pagdating sa mga usapang kalibugan. 'Yung tipong malupit na humahagupit. Swerte siya pagdating sa tongits. Malakas lumaklak ng alak at hindi nawawalan ng yosing naka-insert sa bibig. Puro bisyo na lang siya. Isa talaga siyang tunay na lalake. Walang bahid ng pagkasilahis o kung anumang pagkababae. Hindi siya tulad ng ibang lalake ng cheesy at ubod ng kakornihan. Matapang at walang kinatatakutan. Walang sinasanto, walang nirerespeto. Sanay siyang laging nasusunod. Kung sino ang gustong makabangga siya, siguro'y isang batalyong bukol ang matatamo niya. Hindi naman sa future ni Jerjer ang bukseng, pero hobby niya kasing gawing punching bag ang mga mukha ng taong kinaiinisan niya. Tigasing tao 'yan. Weakness? Wala!
Wala nga ba?

Si Tarwin.
Tartar for short. Isa siyang dakilang pessimist.. Halos lahat puro negative ang iniisip niya. May taglay siyang kakaiba-ibang level ng kawirduhan. Sino ba naman ang mawiwirduhan sa mga conclusion niyang tulad nito: "If God is love and love is blind. Therefore, God is blind." Astig din naman siya pero iba ang style niya. Medyo nag-iiba ang kanyang personality pag siya'y nagalit. Basta astig din siya tulad ng kaniyang kuya. Mahusay siyang tumugtog ng gitara. Tinuruan muna kasi siya ng kaibigan niya bago malulong sa droga. Makadiyos at malalim mag-isip itong si Tarwin. Halos lahat ng mga bagay tungkol sa buhay ay alam niya maliban sa pag-ibig. Weakness daw niya kasi iyon. Isama mo na pati ang magulong mundo ng agham. Magaling siya sa pilosopiya pero hindi siya nabigyan ng pagkakataon upang makap-aral kaya hindi siya maka-level up. Kawawa naman. Dahil sa kagustuhan niyang makapag-aral, sumasaglit siya sa eskwelahan at pumupunta ng library. Laking inggit niya ang makakita ng mga estudyanteng lalake na naka-uniporme at laking galit naman dahil hindi sila nag-aaral ng mabuti kasi sinasayang nila ang opportunidad na makapag-aral.Buti nga sila eh, nakakapag-aral. Hindi nila kasi alam yung importansya ng edukasyon. Hindi naman kasi iyan inilalako. Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon.

Sa kabila ng mga paghihirap na dinaraanan nila sa buhay, may sarili silang mga pangarap. Gusto din nila sanang makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng marangal na trabaho na may sapat na sweldo. Walang tigil ang kanilang pagsusumamo sa Diyos upang dinggin ang kanilang mga panalangin. Hindi sila nawawalan ng pag-asa. Habang sumisikat ang araw, may panahon pa para sa pagbabago. Iyon lamang ang hiling ng magkapatid.

Magkaiba ang personalidad. Magkatulad ang hangarin.
Hindi nila alam kung saang daan ang dapat tatahakin.
Pagbabago lamang ang kanilang mithiin.
Madami ang hadlang para sa hiling na gustong tuparin.

Para sa magkapatid na Jerik at Tarwin, ito lamang ang masasabi ko sa inyo.

Bakit ba ibinabase ang buhay sa horoscope, hula, at bahala?
Nakalimutan mo yata na pwedeng baguhin ang nakatakda at nakatadhana.
Sa Red Horse ka maniwala.
Dahil ito ang TAMA!
posted by yana. @ 3:31 AM   0 comments
Friday, August 21, 2009
[guni-guni.]
Hindi matapos-tapos si Eman sa kanyang mga takdang-aralin. Napakarami pa niyang tatapusin. Sa lagay niyang iyan, mukhang hinahabol niya ang oras. Mukhang matatalo siya ngunit hindi pa rin siya sumusuko. Ganyan naman siya, hindi nagpapatalo. Deadline na kasi ng kanyang mga paperworks bukas. Simula ng namulat siya sa katotohanan, nagpakalunod na lang siya sa kanyang pag-aaral. Ang lalalim na ng kanyang mga eyebags, halatang pagod na ang kanyang mga kamay, at bumabagsak na ang mga talukap ng kanyang mga mata.

Siya si Emmanuel Alcantara. Isa siyang scholar ng U.P. Diliman. Maaga siyang naulila ng kanyang ina kaya lumakhing kulang sa pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang tiyahin. Iniwan siya ng kanyang ama at nag-asawa ng iba. Oo,produkto si Eman ng isang broken family. Wala siyang kapatid. Walang kaibigan. May pagkasuplado at pagkamahiyain kasi siya kaya walang nagmamahal sa kanya. Ang kanyang tiyahing si Aling Lucia ay tinutupad lang ang kanyang tungkulin. Pa-aralin, pakainin, palakihin ng mabuti ang kanyang pamangkin. Hindi niya lubusang binibigyang pansin si Eman. Puro negosyo, tsismis at lalaki lang naman ang ikinabubuhay ni Aling Lucia. Medyo may mukha naman si Eman kung marunong lang sana siyang mag-ayos. Laging magulo ang kanyang buhok. Buhok ng bagong gising. Nakasalamin siya kaya hindi masydong napapansin ang kanyang kumikislap at nagniningning na mga mata. Tama lang ang kanyang pangangatawan at tangkad. Kabilang siya sa mga kalalakihang simple at hindi masyadong pinapansin. Ang kaibahan lang ni Eman sa mga tao ay mayroon siyang napakalawak na imahinasyon. Dahil sa kanyang mga kathang-isip, nabuo si Erika. Siya ang kathang-isip na minamahal ni Eman. Siya ang kanyang guni-guning sinta. Ang katotohanan, si Eman ay nagmamahal ng wala.

Si Erika daw ay maganda, mabait, maunawain, at masaya. Halos lahat ng mga traits ng mga lalaki na kay Erika daw. Ngunit nakalulungkot man isipin, hindi siya totoo. Si Eman lang ang nakakakita, nakakarinig at nakakahalubilo kay Erika dahil siya ang lumikha nito. Araw-araw silang magkasama. Tuwing nasa labas si Eman at "kasama" niya si Erika, kinakausap niya ito. Walang mga taong nasa daan ang hindi sumusulyap sa nagsasalitang mag-isa na si Eman. Dinededma lamang ni Eman ang mga ito. Wala siyang pakielam kung anu man ang sabihin ng ibang tao. Basta alam lang niya ay mahal niya si Erika, ang babaeng kathang-isip lamang.

Mukhang nababaliw na nga si Eman. Sinabi daw sa kanya ni Erika na may taning daw ang kanyang buhay. Kailangan daw niyang maglaho ng parang bula. Ang mas masakit pa ay sa ikalabing-walong kaarawan pa ni Eman ang petsa na kailangan umalis ni Erika.

Lumipas ang tatlong buwan. Tuloy pa rin ang kasiyahan nina Eman at Erika. Nagmamahalan, nagtatawanan, at kaagapay sa bawat pagsubok. Malapit na ang kaarawan ni Eman. Sa bawat araw at minutong lumilipas, nalulungkot na siya dahil alam niyang mawawala na ang kanyang sinisinta. Kaya sinusulit niya ang mga araw na kasama niya si Erika. Marami ang tumatawa dahil nababaliw na daw si Eman. Bumabagsak na nga siya sa kanyang mga subjects dahil hindi na siya masyadong nag-aaral. Puro si Erika na lang.

Nang nalaman ni Aling Lucia ang mga nangyayari kay Eman, nagalit ito at pinalayas si Eman sa kanyang pamamahay. Hindi daw niya lubusang matanggap na ang kanyang pamangkin ay baliw at malayo sa katinuan. Lalong nabaliw si Eman sa mga nangyayari. Lahat ng tao ay itinakwil siya. Sa Diyos na lang siya kumakapit para magkaroon ng kaunting pag-asa. Hindi niya alam kung isang delubyo o isang pagpapala ang paglikha niya kay Erika. Nakikitulog na lang si Eman at naninilbihang katulong ng mga pari sa simbahan. Nililinis niya ang mga kampana, mga estatwa ng Panginoon at mga santo. Wala pa ring nagmamahal kay Eman kundi si Erika at ang Diyos. Alalay lang ang tingin ng mga pari sa kanya kaya hindi nila lubusang napapansin si Eman. Puro pera din kasi ang habol ng mga pari sa simbahang pinasukan ni Eman. Tumalikod sila sa pagiging tapat sa Panginoon. Isang napakalaking kasalanan. Hindi na lang pinansin ni Eman ang mga nangyayari. Puro bahala na ang nasa isip niya.

Dumating ang araw ng kanyang kaarawan.

Ang araw na ganap na matandang tao na siya at pwede nang mamuhay ng mag-isa. Hindi na siya minor de edad. Ito na rin ang araw na kailangang mamaalam ni Erika sa puso ng kaawa-awang si Eman. Nag-celebrate si Eman ng kanyang kaarawan sa tabi ng karagatan. Doon sila nagkwentuhan magdamag ni Erika. Nagpalitan sila ng kanilang mga maliligaya at malulungkot na alaala. Hindi mapigilang maluha ni Eman. Nilikha niya si Erika para magkaroon ng isang taong magmamahal at uunawa sa kanya. Ngayon na aalis na si Erika, napakalungkot ni Eman.

Papalubog na ang araw. Maglalaho na si Erika. Ang huling mga salita ni Eman kay Erika:

"Salamat dahil hinayaan mo akong ibigin kita. Mahal na mahal kita. Salamat."

Pagkatapos nun, naglaho na si Erika.

Mag-isa na lamang si Eman ngayon.
Mag-isa na niyang haharapin ang mapait na katotohanan.
Mag-isa na niyang ipagpapatuloy ang buhay niyang kinagisnan.

posted by yana. @ 12:53 AM   0 comments
Siomai. [Ang Huling Banat.]

IKALABING-LIMANG KABANATA.



Nagising ako sa ingay. Ingay ng bunganga ni Inay.

"AY NAKO! LINTIK! DINADAGA NA ANG MGA SIOMAI. SINO BA KASI NAG-IWAN NITO DITO?!"

Wahehehe. Ako lang naman ang nag-iwan.
Makabangon na nga. May date pa kami ni Honey My Love So Sweet. Saan kaya kami tatambay ngayon? Sa isawan sa kanto o kaya sa lugawan sa kabilang kanto?

Di bale na nga lang. Ngunit hindi pa dito natatapos ang mga delubyo?
Remember? Judessa si Gino. Anong gagawin ko sa kanya? Hmm.

"Senyorito Kaleb, may bisita ka sa baba. Papalamunin ko ba ng mga panis na siomai mo?" sabi ni Ate Potchi.

"Ha?! Si Ava ba yun? Nakakahiya naman. Siya sumusundo sa akin." sabi ko.

"Nakanantoots. Di ka ba babangon?Tsaka hindi si Ava yon. Mukhang matapobreng autistic."

Bumangon na ako. Ginamit ko ang aking Chuperpower na 'UnoDosFresh' para mabilis ang paglinis ng aking payatot na katawan. Basta, mag-ggym na ako bukas para maipakita ko naman ang mga hidden biceps, triceps, at ang dosena kong mga abs. Baka nga kunin pa akong dancer sa club. Yung tipong sa harap ka ng maraming tao maglalagay ng baby lotion o kaya baby oil tapos ipapahid mo sa mga muscles mo. Tapos pagkatapos nun, sasayaw ka na. Gigiling at kekembot at hahayaan mo nalang isabit ng mga bakla sa brief mo ang mga bayad nila. Ayus yun!

Teka, nakalimutan ko na ang bwisita ko. Sino kaya iyon?
Anak ng tekwa! Si Gino. Mukha ngang matapobreng autistic. Bakit kaya na-transform ang mukha niya sa ganyan. Kahapon maayos pa yan ah.

"Kaleb, aalis na ako papuntang America. Narinig ko na hindi na matutuloy ang paglipat mo sa ibang school. Basta, magpakatino ka na. Alagaan mo si Ava. Doon na ako titira." sabi ni Gino, teary-eyed.

"Ganun ba? Sige, bye."sabi ko.

"Una na ako. Dumaan lang kasi ako dito. Nga pala, yung mga picture ni Sir Vayag at Ma'am Arboleda, nilagay ko sa locker mo. Tsaka..."

"Ano yon?" tanong ko.

"Mahal pa rin kita..." bulong ni Gino.

Nanginig ako sa sinabi niya. Pero naiintindihan ko naman siya. Kahit ginawa niyang panakip butas si Ava para hindi malaman ng buong sambayanan na baklita siya, ayos lang. Basta, hindi nag-dadrugs. Nagfriendly hug kami tapos umalis na siya.

Makakain na nga. Susunuin ko pa si Honey My Love So Sweet ko.

Pagkatapos kumaen...dali-daling tumakbo si Kaleb papunta sa UTMT*. Nandoon siya maghihintay sa Honey My Love So Sweet niya. *under the mango tree.


Tagal naman niya. AY! Ayan na siya. Mga hator!

"Hi Honey My Love So Sweet!" bati ko kay Ava.

"Hello Honeybunch Sugar Plum!"bati niya sa akin.

Nagmwuahugz kami. Hayz. Ang kati ng ilong ko. May kulangot. Kung pwede nga lang sanang mangulangot, kanina ko pa ginawa yun. Hayz. Haha. Ambaboy.

"Honey My Love So Sweet, ang haba naman ng tawagan natin. Pwede namang puto at dinuguan. Pwede rin naman sipon at ubo. Pwede rin naman tae at utot.Ang haba kasi eh." sabi ko.

"Wag na natin palitan. Cute naman kasi kapag mahaba eh." sabi niya.

"Oks manoks. Xet ang korni. Tara na nga. Kain tayo. San mo gusto? Kaw manlilibre ah." suggest ko.

"Langya. Doon na nga lang sa siomaian namin. Ipakikilala kita sa lola ko. Nanghaharass yun. Ingat." sabi niya.

Tinungo namin ang siomaian. Naupo kami at nakita ko ang lolang asteg. Hulaan mo kung ano ang outfit niya ngayon. Nakakatuwa. Hehe.

"Oi. Order ka na" sabi sa akin ni Ava.

"Dalawa nga pong order ng siomai. Tsaka dalawa ding ice tea." sabi ko sa manang na mukhang natalo sa pustahang pacquiao-hatton fight.

"Oki." sagot ni manang.

Naupo na kami sa upuan at nakiupo rin si lola.

"Honeybunch Sugar Plum, lola ko nga pala." sabi ni Ava.

Wow. Asteg! Lola ni Ava. Ankulet.

"Tsaka siya yung nagluluto ng mga siomai na binibigay ko sa'yo." hirit pa niya.

"Nice to meet chu lola." sabi ko.

"Aba, nakachamba ka Ava. Ang wafu ng jowa mo." sabi ni lola.

"Hindi naman. Mejo lang." sabi ko ke lola.

At sinerve na ang siomai at kumain na kaming lahat.
Naging maayos naman ang pakikitungo ko kay lola. Sa katunayan, ang asteg nga niya eh. Mukha nga lang pagod sa kakahead-bang. Kakagaling lang daw niya sa concert ng "Shadows Fall" na ginanap sa bahay ni lola. Lufet noh?

Syempre, hindi pa dito natatapos ang lahat.
Hindi niyo pa alam kung ano ang outfit ni lola.
Syempre, yung bagong t-shirt ng pulp summerslam tsaka naka skinny jeans. At naka-havana slippers pa. Ahehe.

Nga pala, nakulong si Honorable Dante Criminalehehe kasi nung nag-guest daw siya sa wowowee, madami siyang dinalang banner ng globe. Masyado daw madami kaya naubos yung pera ni Willie. Ayun, simpleng bagay lang nakulong. Ang sad 'noh?

Hahayaan ko bang maging sad ang ending nito? Syempre aariba pa ako.

Binalik ko na kay Ava yung diary niyang red na pula. Sinumbong ko sina Ma'am Arboleda at Sir Vayag. Si lola, nagaaral ng sumayaw kasi pangarap niyang sumayaw na may kantang "Sabog-sabog tayo". Si nanay naman ay nagpapabeauty sa parlor ng mga bakla.Si Ate Potchi nandun sa boypren niya, nag-sisigawan.Si Kata ay puyat nanaman galing sa concert. Si Ava syempre winoworship ako. Ako? Kelangan pa ba?

Syempre, nagluluto na ng miracle siomai. =D


[end.]
posted by yana. @ 12:18 AM   0 comments
Siomai. [14]

IKALABING-APAT NA KABANATA.



Natatawa ako sa mukha ni Ava ng narinig niya ang hamon ko. Hehehe.

"O, di mo kaya? Di mo lang talaga ako mah--"

Natigilan ako dahil ramdam ko ang lambot ng labi ni Ava sa aking bibig.
Parang nasa ikapitong langit ako. Wala akong paki sa mga tumitingin.
Grabe, sarap ng feeling! First time kong makipag-halikan. Madaming tumingin at nagsasabing:

"Uy tignan niyo! May nagpapasahan ng chewing gum!" -inosente.

"Yuck! Kaderder naman." -konyo.

"Wow. Ang sweet. Kinakagat na ako ng mga langgam. -sarkastikong panget na halatang walang pag-asa sa buhay. haha.

"Pagmamahalan. Bakit ako'y iyong iniwanan?" -emongolloid.

"Dios miyo Marimar!" -fans ni Fulgoshi. [dogie ni Marimaw.]

"Iha, lokohin ka lang niyan!" -janitor.

"Ako na lang! Ako na lang ule!" -Basha.

"Asteeg! Rak en Roll!" -lola.

"PDA yan ah. Dapat iderecho yan sa Dean's office." -taong intellectual na gusto mo nang maglaho sa mundo dahil wala ng iniisip kundi grades, lessons, at pagiging teacher's pet. nyeta. Puksain!

"Paano kung may braces sila? Eh di ang hirap maghalikan nun kasi baka magkasabitan ang mga brace. Ano yun? Dilaan ng ngala-ngala?" -Betty la Fanget.

"Woi. Libreng porno ba 'toh?!" -malibog.

"Nawa'y kaawaan sila ng Diyos. Amen." -Alyanna.


Andameng reaction ah. Inggit lang sila kung tutuusin.Nang natapos na ang aming halik, tinanong ako ni Ava na namumula ang kanyang pisngi.

"Naniniwala ka na?"

Tumungo lang ako. Sobra ang aking ismile.Daig ko pa ang mga sumali sa coke smile araw-araw. Parang napunit nga angbibig ko at ramdam ko ang dugo na umaagos. Sinipsip ko na lang. Slurp!
Kinikilig ako. Ahehehe.Haba talaga ng patilya ko. Ayos!

"Tayo na ba?" tanong ko naman kay Ava na may pagkahiya kahit napakawalang-hiya ko naman.

"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, oo." ngiting sagot niya.

Sakto at nag-ring ang bell. Tapos na ang lunch. Ay, sayang naman.

"Kita na lang tayo mamayang uwian." Sabi sa akin ni Ava.

Ngumiti ako at nagtungo na sa aking classroom. Doon ako umupo sa aking upuan sa dulo na kung tawagin nila ay ang 'Desolation Row'. Korni noh? Sobrang cheezy.

Maya-maya may pumasok na teacher. Mukhang substitute kasi absent ata yung teacher namin sa Filipino. Ayun. Nagpakilala ang chimay.

"Magandang hapon mga bata. Ako si Honorable Dante Criminalehehe. Nandito ako para sabihin niyo sa mga magulang ninyo na iboto ako sa pagka-presidente. Pakinggan niyo ang aking mensahe mga bata."

Kung ako'y mahalal bilang pangulo ng aking bayan
Sangkatutak na kalokohan, sa akin ninyo mararanasan,
Katakut-takot na corruption ang mangyayari na 'di nyo malalabanan
Gagawin ko kayong mga alipin para lang sa buong sambayanan.

Magkakaroon ng isang payapang kapaligiran
Dahil ipapakulong ko ang lahat ng tao sa pamayanan,
Kukunin ko ang lahat ng inyong mga kayamanan
Para ako lang ang taong magiging mayaman.

Bibigyang solusyon ang mga batang walang edukasyon
Pati na rin ang mga may sakit at may malnutrisyon,
Pero sa bawat padyak ng mga bata sa pedicab ni Mar Roxas na binata pa rin hanggang ngayon
Ang mga pawis nila ay gagawing tubig sa mga taong nabibilaukan tuwing komunyon.

Huwag tularan ang mga taong tulad ni Villar
Kunwari mahirap pero nakita ko sa Espanya na nag-bibilyar,
Nakakalungkot man isipin ngunit ganyan ang mga tao na pikon at asar
Kumakapit na lang sa Wowowee para sa mga salitang wala sa tamang lugar.

Kaya ngayon ako na lang ang pag-asa ng Pilipinas kong pagmamay-ari
Sapagkat isa akong tao na mas mataas pa kaysa sa hari,
Na may kakayahang mamuno kahit anong mangyari
Para lamang mailigtas ang bayan nating sawi.

Wag nang magtanong at isulat ang aking pangalan
Ihulog sa balota at agad na ipagdasal ang aking karangalan,
Na maging pinuno ng isang bayang buhay
At obligasyon kong gawin itong patay.


"Muli ako si Honorable Dante Criminalehehe tumatakbo para sa pagka-presidente.
Nangangako ako na pag ako'y nanalo sa darating na eleksyon, magbabago ang tingin mo sa mundo.

Mapanuri.

Mapagmatyag.

Mapangahas.

Nasaakin na ang mga alahas."

Pipilitin ko nga si Inay na iboto 'yan. Mukhang malufet na humahagufet eh.


Uwian na. Hindi na masaya. May umepal kasi. Hindi naman kasali.


Yeba! Makikita ko na ang aking gelpren.
Ayun siya. Ang babaeng naka-uniform. Mapuntahan na nga.

"Hi Ava! I labshu." paglalambing ko sa kanya.

"O really? We're the same. I love myself too. Hehe. I labshu too." sabi sa akin ni Ava na may kasamang palo sa wetpaks.


Umuwi na kami sa aming mga tahanan. Hindi ko na siya hinatid. Sayang pa sa pamasahe tyaka malaki na siya. Nang mahiga na ako sa aking kama, naisip ko ang mga nangyari. Ang paglaladlad ni Gino. Ang pagmamahal ni Ava. At ang pagsulpot ni Honorable Dante Criminalehehe. Asteg! Ngayon, makakatulog na ako pero........








Kain muna ako ng siomai. Malapit na maubos eh.
D:
posted by yana. @ 12:14 AM   0 comments
Siomai. [13]

IKALABING-TATLONG KABANATA.



AVA'S POV

Medyo namamaga pa ang mga mata ko. Sasabihin ko nalang kay lola na nanuod ako ng sobrang nakakaiyak na movie na halos maluwa na ang mata ko kagabi.

"Lola, di ba sinabi ko sa inyo na huwag muna kayo tumambay sa Quantum. Ayan tuloy, umatake ang rayuma ninyo. Paano na lang kung wala ako dun para sumaklolo sa inyo." sabi ko.

"Iha, maikli na lang ang buhay ko. Pabayaan mo na akong magsaya. Sus! Kung nandito pa siguro si Carding, ang lolo mo, siguro magdamag kaming nasa jungle log jam. Nga pala, nasaan na ang lalakeng pinapapunta ko sayo dito? Anong petsa na!?" sabi ni lola.

Sasabihin ko ba ang totoo? Wag muna...

"Ahm...busy po siya." pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? Dapat ginagamit mo ang asim mo. Sex appeal! Eto, ipagluluto ko siya ng siomai. Dapat ibigay mo sa kanya. Tapos, dalhin mo dito." sabi ni lola sabat tawa.

Sinundan ko si lola sa kusina. Inihanda na niya ang mga gamit para sa gagawin niyang pagluluto.
Pinanuod ko siyang sumayaw habang nagluluto. Gumigiling siya sa kaliwa at nagoocho-ocho sa kanan. Akalain mo yun?! Hindi man lang natatapon ang mga sangkap na kanyang hawak-hawak.

Nang tapos ng i-steam ang siomai at inilagay na ni lola sa pinggan, kay sarap at kay bango nito. Nakakatakam. Mukhang malinamnam. Hmm.

Kumuha ako ng isang piraso ng siomai. Tinikman ko.
Hmm! Sarap. Swabe sa lalamunan.

"Ilalagay ko na sa taperware. Ibigay mo kay Bogart ah. Tapos imbitahin mo syang pumunta dito." sabi ng aking dakilang lola.

"Opo." sagot ko.

Natulog na ako para maaga akong magising bukas.

Kinabukasan.

5:00 na pala. Makabangon na nga.
Naligo na ako at nagbihis ng aking uniform.
Nagpaganda, syempre.

Kinuha ko ang taperware sa refrigerator. Ininit ko muna sa microwave.
Paano ba kita ibibigay kay Bogart?
Ah! Owkei. Alam ko na.

Umalis na si Ava at tumungo sa eskwela.

KALEB'S POV

Hay. Nakaraos na rin sa pagkakagulat ko kahapon. Hindi ko akalain na si Gino, ang campus crush, ay isang bakla. Kung malalaman siguro nito ng buong sansinuko, baka patayin at kaladkarin nila ako sa selos. Sa dami-dami pa kasi ng mga lalake, ako pa ang napupusuan ni Gino. Baka magkanda leche bureche ang buhay ko niyan.

Makapasok na nga sa malamig na classroom ko!

"Oi Kaleb!" bati sa akin ni Kata.

"Anong kailangan mo?" sabi ko.

"Pengeng siomai. Sige na. Hindi ako nag-agahan kanina eh." sabi niya.

"Ha?! Wala ako nun. Alam mo naman na hindi ako nagbabaon diba?"

"Talaga? Ano yung nakapatong sa upuan mo?" -Kata.

Napasulyap ako sa upuan ko. May taperware na nakapatong dun.
Mapuntahan nga. Sakto. Mejo gutom ako ngayon.
At aba! May sulat pa.

Bogart,

Sorry sa mga nasabi ko sa'yo nung isang araw.
Goodluck na lang sa bago mong school.
Basta, walang limutan.

-Ava-



Nakakatouch naman 'tong letter. Pinapatawad ko na si Ava. Hmm.
Makakain nga muna.

"Oh, lamunin mo na." sabi ko kay Kata.

"Salamat! Nga pala, bakit hindi mo ako sinamahan sa PULP Summerslam kagabi. Kakainis ka naman. Hindi na tayo bati." sabi ni Kata.

"Ha! Kagabi ba 'yon?! Tae. Baket di mo pinaalala?" sigaw ko.

"Natutulog ka daw sabi ng nanay mo." sabi niya habang nginunguya ang siomai. May tumalsik pa sa pisngi ko na agad kong pinunasan.

"Ganun ba? Sayang naman. Hindi tuloy ako nakipagrak-rakan."

"Wag kang lonely, pare. Binili kita ng t-shirt. Hehe. Bigay ko sa'yo bukas."

"Salamat bespren! I labshu!!!"

At nilapa namin ang mga miracle siomai.
Yum.Yum.Yum.Yum. Delicioso. [Linya ni Backpack. Sa Dora Lakwatsera.]

Dumating ang lunch.
Tinakbo ko ang kahabaan ng corridor. Sigaw ako ng sigaw ng : Ava! Ava! Ava! Arriba!
At nang nakita ko ang pagmumukha ni Ava, pinuntahan ko siya.

"Hi Ava!" bati ko sa kanya.

Medyo namumula si Ava. Bakit kaya?

"Natanggap mo ba ang pagkaen? Kinain mo ba?" tanong niya.

"Syempre. Ubos na nga eh. Ahehehe." sagot ko.

"Ganun ba. May nais akong sabihin sa'yo. Dun tayo sa medyo tahimik. Ingay dito eh."

Pumunta kami sa tahimik na part ng corridor. Medyo maingay pa rin pero at least nagkakarinigan na kami ng maayos.

"Ahm. Bogart. Didirechohin na kita. Sana maintindihan mo ako."sabi ni Ava.

"Sige, I'll try."

"Mahal kita." sabi ni Ava. Titig na titig siya sa akin.

Tama ba nag narinig ko? Mahal ako ni Ava?!

"Weh, di nga?" sabi ko.

"Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka?" tanong niya.

"Halikan mo ako kahit madaming tao." Panghahamon ko sa kanya.

Hehehehe. Gagawin kaya niya?

posted by yana. @ 12:10 AM   0 comments
Siomai. [12]

IKALABING-DALAWANG KABANATA.



GINO'S POV



Kailan ba ang tamang panahon para mag-ladlad ng tunay kong sarili. Ang hirap magtago lalo na pag sobrang gwapo ang tinataguan mo. Ang hirap magtago bilang Gina sa katauhang Gino. Mas mahirap kapag magladlad naman ako kasi baka walang tumanggap sa akin. Lalong lalo na si Fafa Bogart.

Gustong-gusto ko pa naman mag-star sa pelikulang "Snow White & the Seven Hunks". Tas ako ung bida. Syempre, bibilangin ko ang mga hunks pati ang mga abs nila. Tapos yung pag-bilang ko, dapat may kyeme. Like:

Jisa...

Krolawa...

Kyotlo...

Jopat...

Jima...

Kyonim...

Nyotert...

Walochi...

.........


Ay!!! Ansaya-saya.
Dapat kasali ako sa federasyon.
Federasyon ng mga bakla!
Tapos, pabonggahan kami ni Bebe Gandanghari.
Ahihihi. Lalaksan ko na ang loob ko. Maglaladlad muna ako sa taong pinakalavie-davie ko.
Si Fafa...alam mo na.

Kinilig to the max si Balahurang Bakla.

Syempre, pangarap kong maging representative ng kabaklaan para sa kabataan.
Nung bata pa ako, palihim akong naglalaro ng Barbie. Ninanakaw ko sa kapatid kong babae. At hinahalikhalikan ko pa ang mga naglalakihang muscles na naka-umbok kina Superman.
Pangarap ko rin na maging isang malaking parlor ang buong mundo.

At ang misyon ko dito ay maghasik ng kabaklaan.

Paano? Secret.
Pa-kiss muna.



KALEB'S POV


Aba. Si Gino yun ah. Bakit kaya siya nandito?
Hala! Napaiyak ko nga pala si Ava kanina. Baka jombagin niya ako.

"Bogart, tara. May sasabihin ako sa'yo. Dun tayo sa mejo madilim." sabi sa akin ni Gino.

Madilim?! Baka nga gugulpihin niya ako.
Gusto ko sanang magpaalam sa araw na nagbibigay liwanag sa kapaligiran.
Gusto ko sanang magpaalam sa oxygen na nagbibigay hangin sa akin. [baligtad ba?]
Gusto ko sanang magpaalam sa mga teachers kong haliparot at malalandi.
Gusto ko sanang magpaalam sa bungangera kong nanay at taksil kong tatay.

Ngunit huli na.

Bakit ba kasi ipinanganak akong VAIN?
Hmpf!

Sa madilim na lugar.


"Bogart, may gusto akong sabihin sa'yo dati pa. Wag ka sanang mabibigla." sabi ni Gino.

"Ano ba 'yon" mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Bakla ako. May lihim akong pagnanasa sa'yo. At mahal kita."

Napanganga ako bigla. Natauhan din ako pagkalipas ng limang minuto.

"Isa kang bakla, badette, judessa, dingalou, vudluj, bakling, baklita? Ha! Basta, iyan ang pinasok mo eh. Dyan ka masaya!" lumabas sa aking bibig.

Napatungo lamang si Gino.
At may lihim pa siyang pagnanasa sa akin.

Shet! Hihimatayin na ako.
Huhhh....

At hinimatay ang maarteng si Kaleb.


GINO'S POV

"Oh my Gosh!" sigaw ko.

Hala. Hinimatay siya.
Ano ang una kong gagawin?

Hahalikan ko ba siya o yayakapin?

Ah! Both na lang para masaya. Pero tama ba ang gagawin ko? Sana mali.
Kahit si Fafa Bogart na ang pinakagwapo sa mundo ng mga pangit, kyot pa rin siya.
Eto na. Momolestiyahin ko na siya. Bwuahahahaha!

Pero wag na. Bad yun.
Isusugod ko na nga lang siya sa clinic.


AVA'S POV

Umuulan ang mata ni Ava.

"Ahuhuhuhuhu. Wana nyama aku inawa maama e! Huhuhuhu" iyak ko.

*Singhot* *Singhot* *Singhot*
*Pahid* *Pahid* *Pahid*

Bakit sya ganun? Pinapayuhan na nga ayaw pa.
Minahal niya pala ako. Bakit kasi nagsalita pa ako?
Ayos na sana eh. Pero kakayanin ko ba na aalis na siya next week.

"Wahhh!!!!!!!HUHUHUHUHUHU!" sigaw ko.


LOLA'S POV

Sa Quantum. Sa may Dance Dance Revolution.

"Oh! Sino po ang hahamon sa ak--"

"ARUUYYY!!! RAYUMA KO!" sigaw ko.

posted by yana. @ 12:05 AM   0 comments
About Me

Name: yana.
Home: Manila, Philippines
About Me: 'Wag mo na akong kilalanin. Magsisisi ka, peksman.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Sidebar Section

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Duis ligula lorem, consequat eget, tristique nec, auctor quis, purus. Vivamus ut sem. Fusce aliquam nunc vitae purus.

Links

Free Blogger Templates

BLOGGER