mabagsik ang alindog ko.
Monday, August 17, 2009
Siomai. Isang kwentong pag-ibig na may pagkaen.
UNANG KABANATA.





Sadyang ang hirap naman talaga gumawa ng love letter. Wala akong maisulat dahil wala akong maisip. Teka, mali ata. Wala lang talaga akong isip. So sad. Truth hurts nga naman.

Di bale na nga kahit corny. I'll just go for it, sa ngalan ng pag-ibig! Eto na. Isusulat ko na ang pamatay na linya ng tatay ko na minana pa niya sa kanunununuan ng lolo niya. Ang linyang nagpatibok sa puso ng aking inay. An
g nagdulot ng walng hangganang pag-ibig nila kahit nagkakandabasag na ang mga plato sa bahay sa kakahagis ni inay dahil inumaga nanaman ng uwi si itay. Hay buhay. Eto na, isusulat ko na gamit ang nagtatae kong My Gel pen.

"I Love You."

Ayan, maganda naman ang pagkakasulat. Teka, lalagyan ko muna ng aking initials para mabigyan ko ang aking iniirog na clue. Ang initials ko ay K.I. It stands for my nickname and surname, Kaleb Intal. Cute ng name ko noh? Sarap patayin.

"Hoy lalake! Utang mo." Sabi ni Kata, ang aking friendship.

Bigla akong napalundag ng bonggang-bongga at kasing-bilis ng jaguar kong itinago ang aking lab letter sa aking bulsa. Aysus. Anu ba iyan?! Wala akong pambayad ng utang. Paano na iyan?

"Pwede bang bukas na lang?" Buong pagmamakaawa kong sinabi sa kanya.

"Sige na nga. Pasalamat ka kaibigan kita. Kung hinde, baka nabugbog na kita." Sabi niya.

Si Kata nga pala ang pinakamaliit sa mga babae namin. Tinagurian siyang "Small but Deadly" kasi siya ang certified bully ng classroom. Hindi siya nao-ofice kasi ayaw maniwala ng mga teachers, administrators at isama mo na rin ang mga janitors. Sa katunayan, cute at simple lang iyang si Kata. Kaya kami naging close at mag-besprens na rin kasi nalaman kong fan niya rin ang mga bandang kinababaliwan ko at nakikipagrakrakan siya tuwing PULP Summerslam. Galing niya noh?! Asteg!

"Kaleb, hindi ka pa ba kakain?" tanong sa akin ni Kata.

"Mamaya. May gagawin pa akong importante." Sambit ko.

"Ang letter nanaman ba ni Ava?"

"Oo. Ngaun ko na ilalagay sa locker niya."

"Goodluck nalang."

Tinungo ko ang mga locker. Hinanap ko ang locker ni Ava. Locker number 214. Ang ganda naman ng locker number niya. Kanta ng Rivermaya at isa pa sa mga favorite song ko. Pero walang tatalo sa locker number ko. Locker number 666. Oha! Weak kayong lahat! Ahahaha! Ah baon. Ampapanget naman ng mga locker number niyo lalo na ung locker number 555. Ah!!! Sardinas!

Anu ba yan. Nababaliw nanaman ako. Wala akong kausap. Ayan ba ang epekto ng pag-ibig o nakasinghot ako ng pentel kaya sabog utak ko ngayon. Ayoko na ngang isipin iyon. Ngayon naman, kaharap ko na ang locker ni Ava. Eto na. Ilalagay ko na ang letter at pagkatapos, tatakbo ako pero para mas mabilis, gugulong na lang ako ng bonggang-bongga, Eto na.

"Pshhhhtttt" (Tunog ng papel habang inilalagay sa loob ng locker) [Grabe, ganda ng sound effects]

Ayan. Success!!!

"Hoy! Sino ka?" Isang tinig na mula sa aking kanan. Tinig anghel. Tinig na ayaw mawala-wala sa aking isipan tuwing gabi. Ang boses na kinababaliwan ko. Siya nga. Hindi ako nagkakamali. Si Ava.

Naku Diyosmiyo Marimar! Nakita niya ata akong maglagay ng sulat sa locker niya.
Patay.

Agad niya akong pinuntahan.

"Sino ka? At anong nilagay mo sa locker ko?" Tanong sa akin ni Ava.

"Ako?"

"Oo, ikaw nga."

"Ako si Bogart. Is-sang love letter ang nilagay ko sa locker mo."

"Love letter?! Galing sa'yo?"

Bigla akong kinabahan dun. Nagsinungaling ako.

"Hinde. Galing kay Gino. Ang campus crush." Nakayuko kong sinabi.

"Talaga!? Inutusan ka niya para ilagay ito sa locker ko?"

"Oo." Mahina kong sinabi.

Biglang napangiti si Ava. Napaka-ganda niya. Kumikislap ang kanyang mga mata. Nakangiti ang kanyang mapupulang labi. Para lang siyang isa sa mga magagandang babae pero iba siya. Ngunit hindi ko alam kung ano ang iba sa kanya.

Naalala ko ang mga sinabi ko. May halong galit at hiya ang nararamdaman ko. Galit dahil nagpakaduwag ako. Hiya naman dahil baka malaman niya na hindi si Gino ang nagsulat nun at madaling mahalata dahil sa initials kong nasa ibaba ng liham.

Pinagmamasdan ko ang aking sinisinta na nagsasaya hinahanap niya ang susi ng kanyang locker. Nang makita na niya, agad niyang kinuha ang liham.

"I Love You" Binasa niya ang sulat ko.
"Ang haba ah! Grabe." Pagmamaktol niya,
"'K.I.', Ayun ba ang initials ni Gino?"

"Ahmm....hinde. Gawa-gawa lang niya iyan para mahirapan ka mag-isip." Sabi ko.

Ang tanga-tanga ko. Nandamay pa ako ng isang tao. Bwiset na buhay naman to. Gutom pa ako.Ay pakshet! Anung oras na?! Ubos na ang ulam sa canteen. Ahh!!!

"Ahm. Pwede ba kitang kaibiganin?" sabi sa akin ni Ava.

Biglang napawi ang aking galit sa mga sinabi niya. At least, may pag-asa pa ako.

"Kumaen ka na ba? Mukha kasing hindi pa. Kanina pa kumakanta ang tiyan mo. Tara sabayan mo ako. Dun tayo sa garden kumaen. May baon akong siomai." Yaya sa akin ni Ava.


Grabe. Kinilig ako.
posted by yana. @ 3:16 AM  
1 Comments:

Post a Comment

<< Home
 
About Me

Name: yana.
Home: Manila, Philippines
About Me: 'Wag mo na akong kilalanin. Magsisisi ka, peksman.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Sidebar Section

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Duis ligula lorem, consequat eget, tristique nec, auctor quis, purus. Vivamus ut sem. Fusce aliquam nunc vitae purus.

Links

Free Blogger Templates

BLOGGER