mabagsik ang alindog ko.
Monday, August 17, 2009
Siomai. [4]

IKAAPAT NA KABANATA.



Napanganga kami ni Gino sa nasilayan ng aming mga mata. Sobrang nakakadiri at gusto kong sumuka. Baka maisuka ko pa ang mga siomai na kinain ko kanina. Hindi pa rin ba sila titigil sa paghahalikan? Yung mga dila nila nag-aabutan na hanggang sa kanilang ngalangala. Kadire. Sobra.

"Ahhh....Uhmmpp.....Blehhhh!" Tunog ng naghahalikang si Ma'am Arboleda at Sir Vayag.


Ayaw pa rin tumigil. Ngunit hindi pa nila kami nakikita dahil nakapikit ang kanilang mga mata. Kinuha ko ang cellphone. Kukunan ko sana ng pichur kaso naalala ko, wala nga pala akong camera. Takteng yan! Na sense ni Gino ang gusto kong gawin kaya siya na ang kumuha ng litrato sa naghahalikang teachers. Ayun.

*click*
*click*
*click*

Tatlong shots. Isa para sa souvenir ni Gino at isa para sa akin. Syempre, yung isa naman para sa office. Nyahahaha! Sa wakas, matatanggal na ang dalawang terror teachers.

"Tara na nga. Masusuka na ako eh." Sabi ni Gino.

Agad kaming lumabas at pumunta sa labas ng mga classroom namin.

"Ibibigay ko na lang sayo bukas yung mga pictures. Mga lunch siguro." sabi sa akin ni Gino.

What!? Patay! Magkakasabay sina Ava at Gino. Paano na yan. Anong gagawin ko? Ah! Mag-aabsent na lang ako.

After 1 hour, pumasok na ako ng classroom. Hindi na daw bumalik si Maam Arboleda. Kaya pala nakikipaglampungan na kay Sir eh. May asim pa pala yun.

Hindi ko na namalayan na uwian na.

Pumunta na ako sa sakayan ng jeep at narinig ko ang boses ng kundoktor na nagtatawag ng mga pasahero.

"O tatlo pa, tatlo pa! Yung mga magsing-irog dyan, ung mag-kabet, yung magtatanan!" sigaw ng malufet na kundoktor.

May sumakay na dalawa.

"Wag na pong bumukaka, baka pasukan ng langaw yan! Manong, wag na ibuka yan, baka mangamoy. O, isa nalang! Yung mga nag-iisa sa buhay, yung mga binasted, yung mga single pa dyan!" banat ule ng kundoktor.

Mangiyak-ngiyak kong sinigaw "Oo, eto na!"
Tinamaan ako dun ah.
Umandar na ang jeep at minalas pa ako.Kulang pa yung pamasahe ko.
Hay, eto na nga.

"Ma, bayad po. Kulang po eh kaya sa inyo na lang po itong voice combo sandwich ko. Na may crispy waffers, at patung-patong na sarap cream filling. Ubod sa sarap. Hmmm...." Sabi ko.

May mga pasaherong tumawa, meron naman dedma, at meron namang nakigaya pero ibang pagkaen naman. May nakaplastik na kare-kare, may isang piraso ng Champola, at iba pa. Mga tao kasi ngayon e, walang originality.

Ang gulo rin ng mga tao sa jeep. May katabi akong nakatulog at nakapasan ang kanyang ulo sa aking balikat. Tumutulo pa ang laway na may plema. Yung isa ko pang katabi, nakataas yung kamay dahil naka-hawak sa handlebar. Diyosmiyo! Lakas. Lakas ng jabar niya. Tumutulo-tulo pa ang pawis at umaalingasaw ang putok.

Sa wakas! Makakabababa na rin ako. Woohoo!
Gusto ko tuloy isigaw sa buong sansinuko na "Malaya na ako!"
Ngunit sa kasamaang palad, tinamad ako.

Binuksan ko na ang pintuan ng bahay namin at bigla kong narinig ang iyak ni Mama.

"Wahhh!!! Anak! Baket ngayon ka lang?! Anong nangyari sa uniporme mo? Bakit ang baho-baho mo?! Anak, ni-rape ka ba?!"

"Ma, sabog ka ba? Sisihin mo yung school kung baket antagal-tagal nila magpa-uwi. Tsaka kaka-ibaiba yung mga nakasabay ko sa jeep. Wag mo muna akong guluhin. Magpapahinga muna ako!" sambit ko.

"Walang hiya kang bata ka! Bastos! Walang modo!"

"Hindi ako bastos! Ang bastos nakahubad at tumatae sa plato!" sigaw ko.

Oo. Masama akong anak.

Pinalo ako ng nanay ko ng hanger.

"Hindi ka titigel?! Umakyat ka na nga. Tumataas yung presyon ko sa'yo eh!"

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Nahiga na ako sa aking kama.
Naalala ko ang diary ni Ava. Binuklat ko ito sa ikalawang pahina.

Dear Diary,

Every time I saw his angelic face,
I turn my head away,
Never to look back
‘Cause it will turn my day into gray.

He never notice a single thing in me
I have done everything,
Just to pave the grief in my face
On how my heart fretfully ring.

I decided to let go
Of all the causes of my sorrow,
But the worst of all
I don’t know to throw him off the glow.

Music is not enough
I know that it will be the only cure,
I was wrong
Nothing can heal a wound easily so pure.

Better to walk on the shore
Where everything so peaceful and serene,
The sea seems so calm
No more people yelling on me so mean.

There’s no one to comfort me
Yet no one to held my chin up,
And look at me with his tranquil eyes
Telling me how he loves me without lies.

I seem so invisible
No one cares about me,
Crying is not a good idea
For me through having he.

P.S. I love him.


Hindi ko na kayang tignan pa ang ikatlong pahina. Si Gino lang naman ang tinutukoy ni Ava sa tula niya. Hindi ba pwede, kahit isang araw na maging Gino Lim ako. Kahit isang araw lang. Wala na ba talaga akong pag-asa? Kailangan kong tignan ang ikatlong pahina.

Ikatlong pahina.

Dear Diary,
Mahal na mahal ko si Poging Bagsik.
Oo, tama. Poging Bagsik na ang itatawag ko sa kanya mula ngayon.
Nakita ko siya kanina. Kinilig ako.

With love,
Ava.


Hayzz....
Wala na talaga akong pag-asa.
Nagising na lang ako na basa ang punda ng aking unan.
Basag na basag na ang puso ko.
posted by yana. @ 11:40 PM  
0 Comments:

Post a Comment

<< Home
 
About Me

Name: yana.
Home: Manila, Philippines
About Me: 'Wag mo na akong kilalanin. Magsisisi ka, peksman.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Sidebar Section

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Duis ligula lorem, consequat eget, tristique nec, auctor quis, purus. Vivamus ut sem. Fusce aliquam nunc vitae purus.

Links

Free Blogger Templates

BLOGGER