mabagsik ang alindog ko.
Wednesday, August 19, 2009
Siomai. [8]

IKAWALONG KABANATA.



Hay.
Nakalabas na rin ng ospital. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko kahit napakababaw ng mga problema ko. Hirap talaga ng buhay kapag pogi kase habulin ng mga delubyo. Gutom na ako. Gutom na gutom na ako. Gutom na talaga ako. Tama na! Gutom na ako. Utang na loob, pakainin niyo na ako.

Ayun.
Nakakita ako ng isang malapit na karinderya. May sinkwenta akong pera at siguro kakasya na 'to pambayad ng ulam at kanin. Lumapit ako sa karinderya.

Mama Shita Karinderya.

Wow. Ayos naman ng pangalan ng karinderya. Mukhang sosyal ah. Ahehehe. Jowk lang!
Nilapitan ko ang ale na nasa counter. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang feeling. Para bang nahi-high ka. Yung tipong mga over sa ecstasy at gusto mong mang-trip. Kaya, ayun. Umariba ako.


Aaaahhhh!!!!! sabi ko.

Nilagay ko ang aking mga kamay sa ulo ko.
Biglang nanlaki ang mga mata nung ale. Namuti at muntik ng malaglag ang kanyang mga eyebols. Nanginig at ninerbyos ang ale. At...

Acting lang..! biro ko kay ale.

"Loko kang bata ka ah!!! Ano ba problema mo?!" sigaw sa akin nung ale.

"Financial po." sagot ko.

"Abay, tinatarantado mo ata ako eh! Ano ba hanap mo ha? Para tigilan mo ko sa mga walang kwenta mong biro?"

"Pagmamahal at pag-uunawa po."

"Sasapakin na kita. Umayos ka. Nu ba gusto mo?"

"Isa nga pong order ng menudo. Paki-tanggal po yung mga carrots dun. Isang takal po ng kanin. I-double check nyo po kung walang tutong at walang pilik mata nyo ang nahulog dun. Lastly, tubig po. With ice ha!" hirit ko.

"Choosy pa ba? Antayin mo muna order mo. Haysus ginoo! " sabi nung ale tapos tumalikod na siya para sabihin sa cook yung order ko. Oh 'di ba?! Vongacious!

After 50 Golden years...dumating na ang aking mga in-order. Umupo na ako sa bakanteng upuan na hindi ko alam kung tubig ba o pawis ang nasa upuan. Bahala na nga. Nagsimula na akong kumain. Mga 5 minutes, tapos na ako. Nagpahinga muna at nagpalinga-linga. Bigla kong nakita ulet ang lola na nakita ko sa simbahan. Yung lolang naka-metallica na t-shirt. Pero ngayon, iba na ang damit niya. Kahit iba na ang pang-gayak niya, pansin pa rin na siya nga talaga ang matanda na nakita ko sa simbahan sa nag-split at nagbigay sa akin ng siomai bago ako tamaan ng humahagupit na bola.

Nagpakulay si lola ng buhok. Pure black ito. Tapos naka-ponytail siya at may bangs na nakatakip sa isa niyang mata. Naka-my chemical romance na t-shirt siya ngayon. May checkered red skirt siya. Tapos naka medyas na mahaba na abot hanggang sa kanyang mga kulubot na tuhod. Syempre black and white stripes ang kulay. Ang sapatos naman ni lola ay black na high-cut na Chuck Taylor. Asteeg!

Tinawag ko siya.

"Hi lola!"

Tumingin siya sa akin. Yung mata niya may black eyeliner na lagpas-lagpas. Asteg!
Lumapit sa akin si lola. Kinausap ako.

"Iho, naaalala pa kita." sabi niya sa akin.

May hinugot siya mula sa kanyang tadyang...
Jowk lang!
Sa bulsa lang niya.

Isang papel na nakatupi. Ibinigay niya iyon sa akin.

"Buksan mo lang yan kapag nasa bahay ka na. Kung hindi, may masamang mangyayari.Wag mong iwawala iyang papel. Magsisisi ka!" sabi ni lola.

Nakakatakot naman si lola. May pahabol pa ata siya.

"Iho, may isa akong tanong. Direchuhin mo ang iyong sagot." tanong niya.

"A-anu ho 'yon?" takot kong sabi.




Bagay ba sa akin ang emo look?


Muntik na akong himatayin. Napa-oo ako ng hindi oras.
Umuwi na ako agad sa aming bahay.
Syempre. Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Buksan ang papel na nakatupi. Eto ang nasa loob.

Ang Malupet Na Sikreto Sa Likod Ng Malinamnam na Miracle Siomai.


Ang Sangkap na : LOVE.


Ows? Talaga lang ah. Baka mas gustuhin ko pang kumain ng siopao na may palaman na pusa. O kaya pinatuyong itlog ng kabayo.

Love?! May tinda ba sila sa palengke nun?
Anu ba yun? Seasoning, brand ng baboy, tatak ng minola , asawa ni boy bawang???

Hay nuku!
Makapunta na nga lang sa inernet shop para makapaglaro ng jamlegend at mabuksan ko na rin ang aking friendster.

Pagkatapos ng 3 oras, natuyo ang mga eyebols ni Kaleb dahil sa sobrang kakatitig sa computer at dahil natuyo rin ito dahil nakatapat ang electric fan sa kanya.

Hayy....minsan nakakatamad na rin mag-computer. Gusto kong kumaen.
Kumaen ng siomai ni Ava. Siomai. Siomai, Miracle Siomai.
Aba!
Gawa kaya ako ng siomai?! Shure!

Agad akong sumakay ng jeep papuntang SM San Lazaro. Punuan ang jeep. Kainis naman. Napilitan tuloy akong sumabit. Aba! May nakisabit rin. Ginaya ako kahit pinagbabawal na nila mamang pulis. Biruin mo naman at babae pa ang sumabet. Naka-short shorts pa siya tapos yung sleeveless ispaghetti na top na kita pusod na maitim. Nang itaas na niya ang kanyang mga kamay, diyosmiyo marimar! Wag mo nang alamin kung ano pa ang nakita ko.

Nang may bumaba na sa jeep, sinabi ko sa babae na umupo na sa loob. Ayaw eh, may pasunget effect pa siya. May pa- hmpf na expression ba siya. Aba! Syempre hindi ako magpapatalo. Lumaking palaban ata 'to! Teka, aariba nga ako.

Teka, malapit na....

Malapit na malapit na......

Eto na....

Eto na....

Wahhh!!!!....

Papalabasin ko na ang aking super power na tinawag kong "Chingtot."

Aching [bahing po 'toh ah.] sabay utot. Oh 'diba? Bongga!


SUPER CHINGTOT!!! I CHOOSE YOU!

Ayun. Lumabas na ang aking supergalacticmagneticintergalactic power!
Nakita ko ang mukha nung babae. Nagmukhasim. Syempre, no choice siya kundi pumasok sa loob at umupo sa bakanteng upuan. Mwuahaha! Ah weak pala siya! Bano!
Banonita! Wahahaha! Anlakas ko! Wooh!

Biglang nagtinginan sa akin ang mga pasahero. Nababaliw daw kasi ako.
Mga tao nga naman ngayon, hindi pa rin nila kayang iwan ang nakalipas kasa hindi nila kayang harapin ang bukas. Tss. Kawawang mga pasahero.

Eto na pala. San Lazaro na. Siksikan din sa entrance. Syempre, ano ba dapat gawin ng mga henyong tulad ko?! Eh di gayahin ang nasa mentos commercial! Daan sa exit at patalikod ang hakbang! Di ba?!

SUCCESS! Nagawa ko. Antatanga ng mga guards.

Tinakbo ko ang grocery. Ni hindi ko alam kung ano ang mga dapat kong bilhin. Basta...di ko alam kung bakit ko alam ang mga ingredients ng siomai sa panahong ito. Basta...kelangan ko ang mga ito:

3/4 pound ground pork
1/4 pound raw shelled shrimp
1-1/2 tbsp soy sauce
1/2 tbsp Chinese rice wine
1/2 tbsp sesame oil
1/2 tbsp sugar
Dash of pepper
1 egg white
1-1/2 tsbp cornstarch
won-ton skins green peas

Wah! Oh diba.. lufet! Asteg! Rak en Rol!

Pagkatapos ng 1 oran ng pag-iikot sa buong grocery store.

Natapos rin sa awa nd Diyos. Makauwi na nga.

Dahil sa sobrang excitement ni Kaleb, napalipad sila sa kanyang bahay upang magluto.
[excuse lang 'toh para hindi na humaba ang pag-uwi niya. kakaumay kung palaging sa jeep ang bagsakan eh.]

"Mom! I'm home!" sigaw ko sa bahay.

Aba. Walang tao sa bahay. Hmm....Makagawa na nga ng siomai.
Kinuha ko ang mga kelangang kunin. Hinugasan ko ang mga kailangang hugasan. Ayan tuloy. Nagmukha akong muchacha. Di bale, wala namang nakakakita. Ahehehe.

Nagluto na ako. Kahit di ko alam kung paano ang proseso. Ikinalat ko ang mga wrappers. Nag-experiment. Nagkaroon ako ng isang batalyong paso dahil sa apoy. Parang hindi ako ang kumikilos upang gumawa ng siomai ko. Hinayaan ko nalang ang aking sarili na panuorin ang aking mga kamay na magluto. Parang tipong ratatatouille. Basta, me ganon!

Nagulat na lang ako sa nakita ko! Tapos na ang siomai. Tinikman ko ito.

Masarap na sana pero may kulang. May kulang! Nakakabiten! Bwishet!
Naalala ko ang secret ingredient ni lola. Love daw. Ano 'yon?
Hay naku. Ilalagay ko na nga muna dito sa pridyider ang mga siomai. Baka lapain ng mga mababait o kaya mapanis pa.

Itutulog ko na nga lang ang bitin ko sa siomai.


Nanaginip ulit ako.

Si lola. Si lolang naka-metallica. Si lolang naka-emo outfit.
Si lola.Naka-bra at panty nalang.

Nakakatakot.
Nakakapangilabot.
Kagimbal-gimbal na eksena sa buong buhay ko.

"Iho, love. Unawain mo. Iyon din ang magtutulak sa'yo para malutas ang mga suliranin mo. Iyon din ang sikreto sa miracle siomai na hanap mo. Unawain mo iho, unawain mo. LOVE!!!"

Nag-fade si lola. Nalaman ko na lang na basa ang unan ko. Hindi sa unan. Sa laway. Kadire naman ako. Shet! Nabawasan pogi points ko!

Teka, LOVE! Paano ko uunawain yun. Si lola talaga. Ang tanda-tanda na, lumalandi pa. Bilib ako sa lolang yun! Sana ganun lola ko, asteg!

Tumalon ako sa aking kama. Nag-stretching. Bumalentong. Umaga na. Papagawa muna ako ng excuse slip. Balik eskwela nanaman. Balik impyerno. Sana kung buhay natin ay pa-tambay-tambay lang. Tapos kakain ng siomai. Tapos, tulog na! Ansaya siguro nun. Kelan kaya mangyayari yun. Mangyayari kaya iyon?

Naligo. Nagbihis. Kumain. Nagtoothbrush. Nagpaggawa ng excuse slip. Sumayaw ng 'Igiling-giling". Nagsapatos. Nagpa-pogi sa salamin. Landiin ang kapitbahay. Lumakad na papuntang school. Kunwaring nag-aaral. Nakipag-high five kay Kata. Trying hard maging teacher's pet kay Ma'am Charing. Nag-cram sa test sa Physics. Nag-recess. Kumaen ng dalawang chips ahoy. Uminom ng tubig sa drinking fountain. Kunwaring nag-aral ulit. More kunwaring nag-aral ulit. Nag-lunch...

"Kaleb! Siomai mo oh. Bakit ka nag-absent?" bati sa akin ni Ava dala-dala ang isang taperware ng siomai.

"Ah. Mahabang storya. Maiinip ka lang. Isusummarize ko lang. Na-ospital ako dahil tinamaan ako ng rumaragasang soccer ball."sagot ko.

"Kawawa ka naman. Kainin mo na yung mga siomai na gawa ng lola ko. May halong love daw 'yan."




Love!

Hindi kaya ang lola ni Ava ang lolang naka-metallica, naka-emo outfit at ang naka-lingerie?!

"Ava, yung lola mo ba ay pabata ng pabata tulad ng movie na "The Curious Case of Benjamin Buttones?"

posted by yana. @ 5:22 AM  
0 Comments:

Post a Comment

<< Home
 
About Me

Name: yana.
Home: Manila, Philippines
About Me: 'Wag mo na akong kilalanin. Magsisisi ka, peksman.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Sidebar Section

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Duis ligula lorem, consequat eget, tristique nec, auctor quis, purus. Vivamus ut sem. Fusce aliquam nunc vitae purus.

Links

Free Blogger Templates

BLOGGER